nangungulila….
November 9, 2011…….ako sa aking mahal na ama. umuwi na sya sa piling ng ating Diyos noong ika-2 ng Nobyembre 2011, 12:45 ng madaling araw sa edad na 75. sabi sa death certificate cardiac-pulmonary arrest daw ang ikinamatay nya secondary sa complications ng kanyang diabetes.
tandang tanda ko pa ang mga huling oras ni daddy sa hospital. he was agitated and kahit hirap sa paghinga ay pinipilit alisin ang o2 tube sa kanyang ilong. an hour before his death, hinawakan pa nya kami ng sister ko. he was looking at us na parang may gustong sabihin pero dahil na-stroke na sya sa taas ng diabetes hindi na sya nakapagsalita.
masakit dahil hindi na kailanman magiging buo ang aking pamilya, hindi na namin makakasama si daddy, wala na ang ama ng tahanan. iniisip ko na lamang na sa piling ng Diyos hindi na maghihirap si daddy, wala na syang mararamdamang sakit, wala na ang mga discomforts nya and he is now at peace with his creator.
taos-pusong pasasalamat din ang aking ipinaabot sa mga taong nakiramay at nagpadama ng kanilang pagmamahal sa aking pamilya. dumating ang mga kasamahan ko sa public attorney’s office, mga judges, court personnel at mga prosecutors. dumating din ang mga kaklase ko ng high school at mga church mates. todo din ang suporta ng mga relatives ni mommy at pati mga nasa abroad ay nagpadala ng tulong. marami ding nag-offer ng prayers para sa amin.
ang nakasakit lang ng loob ko ay ang mga kapatid ni daddy. ang suportang ibinigay nila sa amin ay taliwas sa aking inaasahan. hindi ko makakalimutan ang time na papunta kami sa ospital, habang nasa loob ng ambulansya ay nagtetext kami sa kanila para sabihing hindi maayos ang lagay ni daddy, pero ang sagot…..bukas na lang kami dadalaw sa ospital. wala ring nag-stay sa wake at may gabi pa nga na ni isa sa kanila ay hindi nagpunta. worst, hindi pala namin sila maasahan sa panahon ng kagipitan dahil walang nag-offer man lang ng tulong pinansyal. yung isang uncle ko we borrowed money nung first day ng wake and when we paid him sabi nya “kunin mo yung 500, ambag ko”.
salamat na lang at may isang Diyos kaming natakbuhan na kailanman ay hindi kami pinagkulang at pinabayaan. ang kanyang pagmamahal at pagkalinga ay naranasan namin sa panahon ng aming pagdadalamhati. sa kanyang tulong, naisaayos naman lahat mula sa burol hanggang sa libing. nabayaran ng maayos ang funeral service, ang libingan at ang hospital bills.
alam kong mabigat para sa amin ang mga darating na araw. pagkatapos pa lang ng libing ay ramdam na ramdam ko na ang sakit. miss na miss ko na si daddy. wala na akong takbuhan pag pinapagalitan ako ni mommy. wala na ang lalaking parating nandyan para yakapin ako when i’m stress with work. wala na ang number one fan ko. wala na ang aking tower of strength. ang thought na lang na nasa piling na sya ni Lord ang nagpapalakas sa akin.
daddy, i love you so much. i will always miss you. see you in heaven




