ang interview for promotion…..
July 15, 2010july 14, 2010….kaarawan ng aking mahal na ina at kasagsagan ng bagyong basyang….pero gumising pa rin ako ng maaga at hinanda ang sarili para sa isang mahalagang kaganapan sa aking buhay bilang public attorney……ang aking interview for promotion!
dumating ako sa PAO central office ng bandang alas-7:30 ng umaga at pagdating ko sa 4/f ay madami nang tao–may mga lawyey na applicants at mayron namang for promotion. nung nag-sign ako sa attendance sheet pang number 11 na ako. syempre chika galore ako sa mga batchmates ko, nagkwentuhan, nagbasa ng MC 18, nagpractice ng PAO hymn at naghintay ng instructions.
mga bandang alas-9 ng lumapit sa amin si mr. nelson acevedo at nagbigay ng instructions after a few mins, umakyat na kami sa 5/F para sa panel interview. eksaktong 11:10 am, naganap ang aking interview for promotion at pagkatapos na tanungin, sungitan at pakantahin ng PAO hym…pinababa na ako sa personnel para malaman ang resulta ng interview…..
ilang minuto lang pagkatapos ng interview sinabi na sa akin ni Mr.Nelson na “okay” na ako for promotion. hintayin ko na lang daw ang tawag para sa oath taking. yes! thank you LORD! sa wakas magiging PA II na ako……
ang tawag na aking hinihintay….
July 10, 2010byernes, ika-9 ng Hulyo, ngarag ang beauty ko dahil may hearing ako ng 10am, 2 cross examinations at may civil case ako na kailangan kong magpresent ng testigo for plaintiff’s evidence. natapos ang hearing ng bago mag-12 ng tanghali at pag-akyat ko sa opisina, gutom ang beauty ko..
pero isang note sa aking table ang nagpangiti sa akin. may interview ako sa PAO central office sa july 14, kailangan daw before 7:30am ay nandoon na ako dahil first come-first serve ito, kailangan din daw naka-dress code, meaning kulay blue ang dapat isuot, ang fave part ko sa note ay ito…”INTERVIEW FOR PROMOTION”! yes! sa wakas, nakonsider din ako for promotion. thank GOD!
bago pa ako nakareact ng husto, natanggap ko naman ang text ng aming acting admin officer sa PAO region office at sinabi din sa akin ang balita. syempre napasmile ang puso ko at naisip ko kaya pala walang advise tungkol sa renewal eh promotion pala ang darating. i’m praying and trusting GOD na tutulungan nya ako sa interview para matuloy na ang promotion ko. iniisip ko rin na sa dami ng Public Attorney I, yung maikonsider ka for promotion eh malaking bagay na at isang blessing na maituturing.
kaya ngayon panay ang basa ko sa Memorandum Circular 18 pati na rin ang amendments nito. panay ang kanta ko ng PAO hym dahil sabi ng isang nakausap kong kakapromote lang na PAO lawyer, talagang pinapakanta daw bago i-promote. kasama din sa paghahanda ko syempre ay ang pagdadasal sa ating Panginoon na bigyan nya ako ng guidance at wisdom upang mangyari ang kalooban nya sa akin. Alam naman NYA na isang malaking desire ng aking puso ang promotion na ito at ilang buwan ko rin itong ipinagdasal at hiniling sa KANYA.
answered prayer na naman. thank you LORD!




