how time flies! imagine sa july 6, 2010 ay ma-e-expire na ang aking appointment as public attorney I. march 2010 palang ay nakatanggap na ako ng letter mula sa aming masipag na administrative officer at kailangan ko daw i-submit ang aking mga renewal requirements on or before June 15, 2010. malinaw na nakalagay doon na kapag hindi ako nakapagsubmit ng mga requirements ay automatic na mateterminate ang aking serbisyo sa PAO at on-hold ang aking remaining salary. OMG!
kaya noong june 8, 2010 ay sumugod ang beauty ko sa aming regional office para mag-submit ng renewal requirements. mainam na ang maaga kesa naman mangarag ako sa pagcomply. sana lang madala nila agad sa central office para ma-process at marenew ang aking appointment on time. sana din kasabay na ang promotion to public attorney II. (please Lord!)
at habang naghihintay, tuloy-tuloy lang ang serbisyo publiko. nakakatuwa kasi naging fiscal yung isang kasama naming lawyer at nagpalitan ng pwesto sa opisina. na-move ang table ko sa malapit sa window at may sarili na akong PC. thank God. yun nga lang i need to bring my own AVR at para makapag internet ay kailangang dalhin ang sariling laptop.
masaya ako sa pagiging lawyer ng PAO dahil ang sarap talaga ng pakiramdam na may natutulungan. a few days ago eh may na-acquit akong 3 clients at 2 naman ang na-pa-provisionally dismissed. priceless na makita ang saya sa kanilang mga mukha at ang sarap ng feeling na nagpapasalamat sila sa assistance na naibigay mo sa kanila.and next month mukhang madadagdagan ang court ko.
masaya ako kasi after 10 months….kabisado ko na ang PAO HYM…yehey!…everybody shouts MABUHAY!
The best blog for Asus, Acer, Toshiba, HP, Mini, Laptop, Download, Driver, Free, Software, Graphics, NIVDIA, Audio, Chipset, Drivers, Windows XP, Windows 7, Update, iPad, Apple, Wireless, Bios, Dell, High Definition, Firmware, iPhone Downloads
Hi! nakakatuwa naman ang blog mo na to panyera. especially the neuro exam. at least you gave me an idea kung panu ang mangyayari sa neuro exam. I passed an application kasi sa PAO last Oct. 28, 2011. bago pa lang. Kailangan ko ba muna mag pa neuro exam before ako matawag sa panel interview? nakapag pasched na ko sa ng Neuro sa NCMH pero unfortunately ang pinakamalapit na date na nabigay nila sa akin eh January 10, 2012 na. sana mabigyan mo pa ko ng ibang tips regarding sa application sa PAO. gusto ko din ksi talagang makapasok at makapagtrabaho dito. I’m praying na sana ibigay din ni Lord sa akin.