3rd monthsarry ko na sa PAO!
November 4, 2009today, november 4, ang aking 3rd monthsarry sa public attorney’s office. (first day ko as public attorney nung august 4). sa loob ng 3 buwan na yan, i can say na ang dami ko nang natutunan. kahit mahirap dahil sa dami ng trabaho, i can say na very fulfilling sya at sa totoo lang enjoy ako.
ang na-assigned sa aking courts ay 2 RTC–isang regular court at isang drug court, officer of the day ako tuwing wednesday (client day ko din) at may hearing ako ng monday, tuesday, wednesday at friday. thursday lang ang aking free day pero yun din ang time ko naman to study for my cases. bukod sa mahigit 1,000 kong kaso ay may mga walk-in clients pa na dapat asistihan kasi we are mandated to assist the office of the prosecutor. may inquest duty din kami at jail consultation at visitation.
in fairness, bukod sa basic pay na mas malaki sa dati kong sweldo, may inquest allowance kami, allowance na kung tawagin ay P.E.R.A, may RATA din at allowance mula sa provincial government. hindi na masama kasi pag nagsama-sama yan malaki na rin. ngayong october nga binigay na yung regular bonus at since anniversary ng PAO last October, nagbigay din ng anniversary bonus. bongga! mabuti na lang at nang pumasok ako sa PAO eh na-upgrade na ang salary grade ng Public Attorney I, dati daw kasi ang baba talaga ng salary grade at walang RATA. na-upgrade lang dahil sa effort ni chief acosta! thanks chief!
kung dami ng trabaho ang pag-uusapan, madami talaga and sabi nga sa akin ng mga lawyers na kasama ko, talang sa umpisa daw parang mabu-burn out ka sa dami ng pending mo, pero later on masasanay din daw ako. yes, nasa stage ako na close to saying waaaaa sa dami ng pending na trabaho at kasong dapat aralin pero i’m trying to focus sa mga dapat pang gawin, i really want to stay sa PAO kasi ito naman talaga ang gusto ko. ang sarap ng feeling na may natutulungan ka lalo na yung mga tao na nawalan na ng pag-asa dahil akala nila ang hustisya ay talagang para sa mayayaman lamang.
marami na rin akong na-encounter na pasaway na mga clients, yun bang tipong akala nila eh maid ka nila. marami rin yung ma-angas na feeling mas matalino sila sa iyo. marami rin yung nag-aattempt na bigyan ka ng pera kahit na sabihin mong bawal yun dahil walang bayad ang serbisyo namin. may ibang client naman na sa halip na pera ang ibibigay eh mga pagkain or fruits. basta ako decline ever ako pag may nag-aabot, sinasabi ko, sige ho idedemanda ko kayo pag binigyan nyo ako ng pera at di ko na kayo ire-represent, libre ho ang serbisyo ko! taray di ba?
maswerte na rin ako na mababait ang judge ng court na na-assigned sa akin. at kahit nung una ay marami akong worries dahil drug court ang na-assigned sa akin at 20 plus cases ang naka-calendar in one day of hearing, unti-unti na akong nasasanay. kahit napapagod ako, may excitement pa rin akong nararamdaman dahil ang every day na pasok ko sa PAO ay isang learning experience para sa akin.
mabuti na lang din at mababait ang aking mga kasama sa district. supportive sila sa bagong salta na katulad ko, hindi sila madamot na i-share ang mga alam nila, hindi mo mapi-feel na nagdadamot sila sa iyo, willing silang tumulong at sumuporta. maayos din ang mga staff and thankful ako na mabait at efficient ang aking secretary. may mga pasaway ding judges at court staffs at ayoko na lang magpa-apekto, bahala sila, mag-angas sila kung gusto nila, basta ako i’ll just do my job.
madami pang kwento, madami pang mga learnings at challenges, madami pang ma-me-meet na tao, marami pang kasong aaralin and im so open to all these. cheers to more monthsarries ahead!
at isa pa pala…..kailangan kong pag-aralang kantahin ang PAO Hym!
Previous Comments
Thank you for your entries about your PAO experience. I stumbled upon your blog in my desperation to find information about PAO oathtaking.
Like Christian, I was also supposed to take my oath on 27 July 2009. Hi Christian! I have exactly the same predicament. Buti na rin nga lang at hindi pa ako nag resign pero I am so bored already kase hindi naman lawyer position ang hawak ko sa present office ko. And like you nakapag press release na rin ako na aalis na ako because I was really under the impression na tuloy na tuloy na yung oathtaking.
By the way, san ka dapat ma aassign?Please contact me through my email. It would be nice to talk to someone with the same predicament.
Posted by Verdie at November 17, 2009, 11:05 pm




Thanks for your Blog, it was really helpful. However, I would like to be clarified. As i understand, you start applying as early as January, 2009 and you submitted your Neuro exam February, 2009. then you were scheduled for oathtaking only in July 6, 2009 but your first day as PAO lawyer was August 4, 2009. Why the long gap? Or the scheduled July 27 oathtaking pushed throug?In my case, I was interviewed July 17, 2009 and was scheduled for oathtaking on July 27, 2009. However, it was postponed and until now, November 5, 2009 it has not been re-scheduled without the PAO personnel giving me a reason for the delay. I am confused!
Posted by chris at November 5, 2009, 4:04 pm