Home » Post Item » Day 11: Ang Oathtaking

Day 11: Ang Oathtaking

July 16, 2009

July 6, 2009

 

I don’t like Mondays as in pero kakaiba ang Monday na ito dahil isa ito sa pinakamemorable na araw sa aking so called life. Ito ang araw na ako ay mag-o-oath para maging ganap na isang Public Attorney.  4:30 pa lang ng umaga eh gising na ang beauty ko, excited he he he kailangan daw kasi 7am ay nasa PAO Central Office na ako. Ayoko naman na late ako kaya inagahan ko na ang gising. Unpredictable kasi ang traffic sa by-pass road sa aming lugar eh doon pa naman dumadaan ang mga sasakyan na papuntang NLEX.

 

Syempre dumating ako sa PAO Central Office eksaktong 7am at pagdating ko sa personnel deparment nakita ko na ang aking mga panero at panera na mag-te-take din ng kanilang oath. Nakita ko din ang 2 admin staff applicants na ma-a-assigned sa Cebu at Samar, mag-o-oath din daw sila. I remember kasabay ko sila noon na nag-interview. Of coz  I also submitted my requirements kay Mr. Nelson bago umupo sa waiting area. Pagkaraan ng halos isang oras na paghihintay sinabihan kami na aakyat na daw sa 5/F para sa flag ceremony at kung pwede na ay mag-o-oath na rin kami. Excited ako kasi finally makikita ko na rin ng personal si Chief Persida Acosta. I must admit I admire this woman and di ako makapaniwala na ngayon eh naging boss ko pa sya. 

 

So there, pagdating sa 5/F we were asked to fall in line kaso lang ang liit ng space kaya medyo siksikan ever. After a few minutes narinig ko na nagsalita si Chief Acosta, she’s wearing an all-white outfit, walang make up and in fairness pretty sya. After ng opening prayer ni Chief, we sang the Philippine National Anthem, recited the panunumpa sa watawat at ang PAO Hym na syempre hindi ko pa alam as in first time ko lang narinig. 

 

After nito, nagbigay na si Chief Acosta ng kanyang mga advise, reminders at words of wisdom.  Habang nagsasalita sya napansin ko na para talaga syang mommy na nagbibigay ng advise sa kanyang mga anak. Nag-oath na rin kami bago pa natapos ang morning activity na iyon. After ng oath, pinababa na ulit kami sa 4/F para naman sa orientation.Pero bago pa nagumpisa ang orientation, binigyan kami ng time na kumain ng breakfast, mukhang we were in for a long day hay eh hindi pa naman ako nag breakfast nun mabuti na lang at ang PAO canteen ay nasa same floor kaya sumugod ang beauty ko para kumain ng rice, fried egg at corned beef. 

 

After ng short break dire-diretso na ang orientation, grabe sa dami ng dapat tandaan at intindihin. Scary pa kasi may mga instances daw na nirereklamo pa sa media ang mga PAO lawyers and yung mga reklamo are mostly baseless naman. We were advised never to receive money or anything of value from clients at laging tandaan na ang serbisyo ng PAO ay sa mga indigents. Dapat daw ang basehan ng hahawakang kaso ay merit at indigency test. We were advised to read by heart ang nilalaman ng Memorandum Circular No. 18, ito daw ang bible ng PAO.  Aside from that memorandum circular, 2 makapal na long brown envelopes na punong-puno ng mga kung anik anik na memorandum circulars ang binigay sa amin. Dapat daw namin itong basahin dahil ito ang guide namin as we practice as PAO lawyers. 

 

Salamat at nung bago  mag-alas dose ng tanghali ay binigyan naman kami ng break para mag lunch at  kasama ko ang dalawang panera na maaassign sa Zambales, we went to Chowking para mag-lunch. Wala pang 1PM ay bumalik na kami at naghintay para sa continuation ng orientation. Almost 6pm na nung ibigay sa akin ang aking appointment paper, nakalagay doon kung ano ang aking position na SG-25 na, wow, at kung magkano ang aking isang taong sweldo, nakalagay din doon na ang aking appointment ay temporary. 

 

Kahit medyo madilim na nang lisanin ko ang PAO Central Office sa Quezon City, masaya naman ako dahil sa wakas nakapasok din ako sa PAO. Kailangan ko na lang mag courtesy call sa Regional Director at sa aking DPA.

 

Pumunta naman ako sa Shangrila Mall para puntahan ang aking pretty sis in law at sabay na kaming nagdinner at syempre umuwi.

 

So there, tapos na ang isa sa pinakamasayang araw sa buhay ko at kahit may takot at worries ako I’m leaving it all to God. Siguro naman normal lang kabahan kasi nga bagong career path, adjustment period and im sure yung mga nasa PAO  ngayon eh nagsimula din sa ganito kaya kung nakaya nila eh im sure makakaya ko rin sa tulong syempre ni GOD.

Posted by meronakongkwento at 9:13 pm | permalink

Previous Comments

Good for you! You have finally taken your oath as Public Attorney. In my case, I’ve been waiting for my turn. I never thought that it would take this long. I had already bid goodbye to my co-workers and they had already given me a “despidida” party. I had to seek permission from my bosses to transfer. That was four months ago and until now, I’m still stuck in my old job. worse, many are asking why I am still here despite my “press release” that I am leaving. had I known that it would take this long, i could have applied to other government agencies. Hay buhay talaga.. Kala ko, once I passed the Bar, trabaho ang hahabol sa akin… Any way, salamat na lang I still have my job and I need not resign in order to transfer to PAO. I just hope and pray that finally, my long waited schedule for oathtaking will finally push through.

Posted by christian at November 4, 2009, 11:31 am

Add a comment