Pinaiyak ako ni Paris
July 11, 2009Isa ako sa milyon-milyong nanood ng memorial service para kay Michael Jackson. Salamat na lang talaga sa ating technology na kahit nasa Staples Center sa Los Angeles California ang activity at nasa Pilipinas ako, pwede ko pa ring mapanood ng Live ang program dahil sa tinatawag na “Live Streaming or Video Feed”. Salamat din sa Facebook kasi they offered this service sa kanilang mga subscribers sa tulong ng CNN.com. Hay, pero yun nga lang puyatan ever dahil ang umaga ng Tuesday sa California ay madaling araw ng Wednesday sa Pilipinas.
Napaiyak ako habang pinapasok sa stage ang gold na kabaong ng king of pop. grabe! parang di pa rin mag-sink in sa akin na wala na sya, wala na si Michael Jackson. I grew up listening and singing his music. Makakalimutan ko ba naman ang kantang “one day in your life” na kinakanta ko habang nakadapa sa kama at katabi ang turn table. Nakinig ako sa mga eulogies ng mga taong malalapit sa kanya at napaiyak ng kumanta at umiyak si Usher ng “gone too soon”.
Pero ang sobrang nagpa-iyak sa akin ay nang magsalita ang anak ni Michael na si Paris.Sa pagitan ng mga hikbi,sinabi nya sa buong mundo na “I just want to say that ever since I was born, Daddy has been the best father you could ever imagine…i just wanted to say I love him so much”. Here’s the video:
Kilala natin si Michael Jackson bilang isa sa pinakamagaling na entertainer ng mundo ng musika pero sa araw ng kanyang libing, nakita natin at nakilala na si Michael Jackson ay isang “mapagmahal na ama, isang daddy, the best father you could ever imagine!”
May your sould rest in peace Michael Jackson! I’m offering prayers for his family, especially to his children.
Day 10: Ang Deadline
July 3, 2009
Pasado alas-dos ng hapon na ako nakarating sa NBI Clearance Center sa Carriedo para kuhanin ang aking NBI Clearance. Habang umaakyat ako sa hagdan iniisip ko kung makukuha ko nga ba ang clearance, maihahabol ko pa kaya ito sa PAO Head office na nasa Quezon City pa, makapag-oath taking kaya ako sa Lunes. Yan ang samo’t saring tanong na nasa utak ko sa mga oras na yun. Dala-dala ko rin ang mga encouragements ng ilang mga kaibigan lalo na ang kaibigan kong dating nasa PAO.Sa utak ko I’m praying and putting my trust in GOD. Pinanghawakan ko na lang na anuman ang mangyari ngayon ay kalooban nya at kung kalooban nya ang trabaho sa PAO ay tutulungan nya ako na maayos ko ang aking mga requirements.
Dumiretso na ako sa releasing at ng iaabot ko ang aking resibo, nakahinga ako ng maluwag dahil walang tanong tanong ibinigay sa akin ang aking bagong NBI Clearance. Yipee. Pumila naman ako sa fingerprinting section at pagkatapos ay kumuha na ako ng aking NBI Clerance Renewal Card. Natapos ako sa NBI pasado alas tres na at ang dami ng tao sa LRT. Malabo na akong makahabol sa PAO Central Office to think na Friday pa hay hay hay.
Bumalik na lang ako sa office dala ang pagtanggap na sa Lunes ko na lamang isasubmit ang aking mga requirements at kung hindi ako makasali sa oath sa Lunes ay ipapakiusap ko na baka pwede sa next batch ng mag-o-oath ay makasama na ako. Tumawag din ako sa PAO Personnel Section para kausapin ang isang staff doon at ipaalam na hindi ko na maipapasa ang aking mga requirements in time for Monday’s oath taking. Malungkot ang boses ko sa telepono habang kinukwento ko kay Mr. Nelson ang aking predicament at muntik na akong napalundag ng sabihin nya na ok lang sa Monday na lang i-submit bago mag oath taking, 7am kailangan nandun na ako, may dress code, heavy breakfast dahil pagkatapos mag-oath ay may orientation.
Wow! Ang galing talaga ni Lord! Imagine, kahit di ko nasubmit ng Friday ang aking requirements, makakapag oath ako sa Monday. Pwede naman pala na Monday i-submit so dapat pala di na ako nagpanic to the highest level at na-stress ang beauty ko kakaisip. Tama talaga si God, na dapat magtiwala ako sa Kanya dahil He’s in control.
Thank God for this blessing! Dapat mag-ready na ako sa aking oath taking at dapat maganda ako ever. Excited na ko! Yes!
Day 9: NSO AT NBI
July 2, 2009
Leave ulit ako sa opisina para mag-ayos ng aking birth certificate at NBI clearance. Yun na lang kasi ang kulang at pwede ko nang dalhin sa PAO head office ang aking mga requirements para makasali sa oath taking sa Lunes. Maaga akong umalis ng bahay kasi ine-expect ko na ang araw na ito na toxic at pipila sigurado ang beauty ko.
I decided to go to the NSO Serbilis Center sa Hobbies of Asia sa Macapagal Boulevard. May nakapagsabi kasi sa akin na medyo mabilis daw dito kumpara sa NSO sa East Avenue. Dumating ako sa Serbilis Center ng mga 950am at trulili ang daming tao ever pero napansin ko kaagad na malamig ang place, airconditioned at in fairness friendly ang mga guards at very willing mag-assist sa mga applicants. after kong mag fill up ng application form, pumila na ako sa magveverify ng aking records, syempre dala dala ko ang aking passport for identification purposes. after ng verification diretso na ako sa cashier para magbayad and i was told na makukuha ko daw ang aking birth certificate ng 12 ng tanghali. bongga!
nag-lunch ako sa mini-stop (siomai with rice) at pagkatapos ay naghintay ng oras sa loob ng airconditioned waiting area. in fairness nakuha ko ang aking birth certificate mga 5 minutes past 12. after ng NSO diretso na ang beauty ko sa NBI Kiosk sa Park Square 1 Makati City.
Dumating ako sa NBI Kiosk ng 1PM at pipila na sana ako only to see a sign na nakalagay LUNCH BREAK. hay ever. buti na lang malapit ang Kiosk sa CR kaya mega retouch muna ang beauty ko. grabe paglabas ko ng CR waaa ang dami ng nakapila ever. i paid the renewal fee, nagpakuha ng picture at pagdating sa last step,….waaa…biglang sinabi na pumunta daw ako sa NBI Carriedo dahil may kapangalan daw ako. hay kaloka talaga.
so syempre takbo ang beauty ko sa MRT ayala station para pumunta ng sta cruz maynila. mabuti na lang at mabilis lang ang MRT at LRT kaya dumating ako sa sta cruz mga 3pm. ang daming tao dito as in. medyo di pa naman ako comfortable sa carriedo street kasi naman ang daming snatcher at holdaper sa area. pagdating ko sa NBI clearance center, umakyat ako sa 4th floor para sa verification, iniisip ko ano kaya ang itatanong sa akin, baka pakuhanin pa ako ng clearance kasi baka yung kapangalan ko may kaso hayayay kung ano-anong thots ever. pero pagdating ko sa verification counter tiningnan lang ang old clearance ko at pagkatapos ay pinapunta na ako sa next step. kaloka.
my picture was taken tapos punta na ako sa registration. pagdating ko dun, tinatakan ang likod ng aking resibo at sinabihan ako na bumalik bukas, july 3, alas-dos ng hapon. muntik na akong umiyak after. imagine 2pm pa kumusta naman yun eh anong oras pa ako darating ng quezon city. waaa. nalungkot na ang beauty ko kasi feeling ko di ako makakasali sa oath taking sa lunes. hay hay kainis.
pray ever syempre ako, nag-ask na lang kung ano ang kalooban ni God sa akin. naisip ko kung will nya na makapasok ako sa PAO im so sure aayusin nya ang lahat.




