Day 11: Ang Oathtaking
July 16, 2009July 6, 2009
I don’t like Mondays as in pero kakaiba ang Monday na ito dahil isa ito sa pinakamemorable na araw sa aking so called life. Ito ang araw na ako ay mag-o-oath para maging ganap na isang Public Attorney. 4:30 pa lang ng umaga eh gising na ang beauty ko, excited he he he kailangan daw kasi 7am ay nasa PAO Central Office na ako. Ayoko naman na late ako kaya inagahan ko na ang gising. Unpredictable kasi ang traffic sa by-pass road sa aming lugar eh doon pa naman dumadaan ang mga sasakyan na papuntang NLEX.
Syempre dumating ako sa PAO Central Office eksaktong 7am at pagdating ko sa personnel deparment nakita ko na ang aking mga panero at panera na mag-te-take din ng kanilang oath. Nakita ko din ang 2 admin staff applicants na ma-a-assigned sa Cebu at Samar, mag-o-oath din daw sila. I remember kasabay ko sila noon na nag-interview. Of coz I also submitted my requirements kay Mr. Nelson bago umupo sa waiting area. Pagkaraan ng halos isang oras na paghihintay sinabihan kami na aakyat na daw sa 5/F para sa flag ceremony at kung pwede na ay mag-o-oath na rin kami. Excited ako kasi finally makikita ko na rin ng personal si Chief Persida Acosta. I must admit I admire this woman and di ako makapaniwala na ngayon eh naging boss ko pa sya.
So there, pagdating sa 5/F we were asked to fall in line kaso lang ang liit ng space kaya medyo siksikan ever. After a few minutes narinig ko na nagsalita si Chief Acosta, she’s wearing an all-white outfit, walang make up and in fairness pretty sya. After ng opening prayer ni Chief, we sang the Philippine National Anthem, recited the panunumpa sa watawat at ang PAO Hym na syempre hindi ko pa alam as in first time ko lang narinig.
After nito, nagbigay na si Chief Acosta ng kanyang mga advise, reminders at words of wisdom. Habang nagsasalita sya napansin ko na para talaga syang mommy na nagbibigay ng advise sa kanyang mga anak. Nag-oath na rin kami bago pa natapos ang morning activity na iyon. After ng oath, pinababa na ulit kami sa 4/F para naman sa orientation.Pero bago pa nagumpisa ang orientation, binigyan kami ng time na kumain ng breakfast, mukhang we were in for a long day hay eh hindi pa naman ako nag breakfast nun mabuti na lang at ang PAO canteen ay nasa same floor kaya sumugod ang beauty ko para kumain ng rice, fried egg at corned beef.
After ng short break dire-diretso na ang orientation, grabe sa dami ng dapat tandaan at intindihin. Scary pa kasi may mga instances daw na nirereklamo pa sa media ang mga PAO lawyers and yung mga reklamo are mostly baseless naman. We were advised never to receive money or anything of value from clients at laging tandaan na ang serbisyo ng PAO ay sa mga indigents. Dapat daw ang basehan ng hahawakang kaso ay merit at indigency test. We were advised to read by heart ang nilalaman ng Memorandum Circular No. 18, ito daw ang bible ng PAO. Aside from that memorandum circular, 2 makapal na long brown envelopes na punong-puno ng mga kung anik anik na memorandum circulars ang binigay sa amin. Dapat daw namin itong basahin dahil ito ang guide namin as we practice as PAO lawyers.
Salamat at nung bago mag-alas dose ng tanghali ay binigyan naman kami ng break para mag lunch at kasama ko ang dalawang panera na maaassign sa Zambales, we went to Chowking para mag-lunch. Wala pang 1PM ay bumalik na kami at naghintay para sa continuation ng orientation. Almost 6pm na nung ibigay sa akin ang aking appointment paper, nakalagay doon kung ano ang aking position na SG-25 na, wow, at kung magkano ang aking isang taong sweldo, nakalagay din doon na ang aking appointment ay temporary.
Kahit medyo madilim na nang lisanin ko ang PAO Central Office sa Quezon City, masaya naman ako dahil sa wakas nakapasok din ako sa PAO. Kailangan ko na lang mag courtesy call sa Regional Director at sa aking DPA.
Pumunta naman ako sa Shangrila Mall para puntahan ang aking pretty sis in law at sabay na kaming nagdinner at syempre umuwi.
So there, tapos na ang isa sa pinakamasayang araw sa buhay ko at kahit may takot at worries ako I’m leaving it all to God. Siguro naman normal lang kabahan kasi nga bagong career path, adjustment period and im sure yung mga nasa PAO ngayon eh nagsimula din sa ganito kaya kung nakaya nila eh im sure makakaya ko rin sa tulong syempre ni GOD.
Pinaiyak ako ni Paris
July 11, 2009Isa ako sa milyon-milyong nanood ng memorial service para kay Michael Jackson. Salamat na lang talaga sa ating technology na kahit nasa Staples Center sa Los Angeles California ang activity at nasa Pilipinas ako, pwede ko pa ring mapanood ng Live ang program dahil sa tinatawag na “Live Streaming or Video Feed”. Salamat din sa Facebook kasi they offered this service sa kanilang mga subscribers sa tulong ng CNN.com. Hay, pero yun nga lang puyatan ever dahil ang umaga ng Tuesday sa California ay madaling araw ng Wednesday sa Pilipinas.
Napaiyak ako habang pinapasok sa stage ang gold na kabaong ng king of pop. grabe! parang di pa rin mag-sink in sa akin na wala na sya, wala na si Michael Jackson. I grew up listening and singing his music. Makakalimutan ko ba naman ang kantang “one day in your life” na kinakanta ko habang nakadapa sa kama at katabi ang turn table. Nakinig ako sa mga eulogies ng mga taong malalapit sa kanya at napaiyak ng kumanta at umiyak si Usher ng “gone too soon”.
Pero ang sobrang nagpa-iyak sa akin ay nang magsalita ang anak ni Michael na si Paris.Sa pagitan ng mga hikbi,sinabi nya sa buong mundo na “I just want to say that ever since I was born, Daddy has been the best father you could ever imagine…i just wanted to say I love him so much”. Here’s the video:
Kilala natin si Michael Jackson bilang isa sa pinakamagaling na entertainer ng mundo ng musika pero sa araw ng kanyang libing, nakita natin at nakilala na si Michael Jackson ay isang “mapagmahal na ama, isang daddy, the best father you could ever imagine!”
May your sould rest in peace Michael Jackson! I’m offering prayers for his family, especially to his children.
Day 10: Ang Deadline
July 3, 2009
Pasado alas-dos ng hapon na ako nakarating sa NBI Clearance Center sa Carriedo para kuhanin ang aking NBI Clearance. Habang umaakyat ako sa hagdan iniisip ko kung makukuha ko nga ba ang clearance, maihahabol ko pa kaya ito sa PAO Head office na nasa Quezon City pa, makapag-oath taking kaya ako sa Lunes. Yan ang samo’t saring tanong na nasa utak ko sa mga oras na yun. Dala-dala ko rin ang mga encouragements ng ilang mga kaibigan lalo na ang kaibigan kong dating nasa PAO.Sa utak ko I’m praying and putting my trust in GOD. Pinanghawakan ko na lang na anuman ang mangyari ngayon ay kalooban nya at kung kalooban nya ang trabaho sa PAO ay tutulungan nya ako na maayos ko ang aking mga requirements.
Dumiretso na ako sa releasing at ng iaabot ko ang aking resibo, nakahinga ako ng maluwag dahil walang tanong tanong ibinigay sa akin ang aking bagong NBI Clearance. Yipee. Pumila naman ako sa fingerprinting section at pagkatapos ay kumuha na ako ng aking NBI Clerance Renewal Card. Natapos ako sa NBI pasado alas tres na at ang dami ng tao sa LRT. Malabo na akong makahabol sa PAO Central Office to think na Friday pa hay hay hay.
Bumalik na lang ako sa office dala ang pagtanggap na sa Lunes ko na lamang isasubmit ang aking mga requirements at kung hindi ako makasali sa oath sa Lunes ay ipapakiusap ko na baka pwede sa next batch ng mag-o-oath ay makasama na ako. Tumawag din ako sa PAO Personnel Section para kausapin ang isang staff doon at ipaalam na hindi ko na maipapasa ang aking mga requirements in time for Monday’s oath taking. Malungkot ang boses ko sa telepono habang kinukwento ko kay Mr. Nelson ang aking predicament at muntik na akong napalundag ng sabihin nya na ok lang sa Monday na lang i-submit bago mag oath taking, 7am kailangan nandun na ako, may dress code, heavy breakfast dahil pagkatapos mag-oath ay may orientation.
Wow! Ang galing talaga ni Lord! Imagine, kahit di ko nasubmit ng Friday ang aking requirements, makakapag oath ako sa Monday. Pwede naman pala na Monday i-submit so dapat pala di na ako nagpanic to the highest level at na-stress ang beauty ko kakaisip. Tama talaga si God, na dapat magtiwala ako sa Kanya dahil He’s in control.
Thank God for this blessing! Dapat mag-ready na ako sa aking oath taking at dapat maganda ako ever. Excited na ko! Yes!
Day 9: NSO AT NBI
July 2, 2009
Leave ulit ako sa opisina para mag-ayos ng aking birth certificate at NBI clearance. Yun na lang kasi ang kulang at pwede ko nang dalhin sa PAO head office ang aking mga requirements para makasali sa oath taking sa Lunes. Maaga akong umalis ng bahay kasi ine-expect ko na ang araw na ito na toxic at pipila sigurado ang beauty ko.
I decided to go to the NSO Serbilis Center sa Hobbies of Asia sa Macapagal Boulevard. May nakapagsabi kasi sa akin na medyo mabilis daw dito kumpara sa NSO sa East Avenue. Dumating ako sa Serbilis Center ng mga 950am at trulili ang daming tao ever pero napansin ko kaagad na malamig ang place, airconditioned at in fairness friendly ang mga guards at very willing mag-assist sa mga applicants. after kong mag fill up ng application form, pumila na ako sa magveverify ng aking records, syempre dala dala ko ang aking passport for identification purposes. after ng verification diretso na ako sa cashier para magbayad and i was told na makukuha ko daw ang aking birth certificate ng 12 ng tanghali. bongga!
nag-lunch ako sa mini-stop (siomai with rice) at pagkatapos ay naghintay ng oras sa loob ng airconditioned waiting area. in fairness nakuha ko ang aking birth certificate mga 5 minutes past 12. after ng NSO diretso na ang beauty ko sa NBI Kiosk sa Park Square 1 Makati City.
Dumating ako sa NBI Kiosk ng 1PM at pipila na sana ako only to see a sign na nakalagay LUNCH BREAK. hay ever. buti na lang malapit ang Kiosk sa CR kaya mega retouch muna ang beauty ko. grabe paglabas ko ng CR waaa ang dami ng nakapila ever. i paid the renewal fee, nagpakuha ng picture at pagdating sa last step,….waaa…biglang sinabi na pumunta daw ako sa NBI Carriedo dahil may kapangalan daw ako. hay kaloka talaga.
so syempre takbo ang beauty ko sa MRT ayala station para pumunta ng sta cruz maynila. mabuti na lang at mabilis lang ang MRT at LRT kaya dumating ako sa sta cruz mga 3pm. ang daming tao dito as in. medyo di pa naman ako comfortable sa carriedo street kasi naman ang daming snatcher at holdaper sa area. pagdating ko sa NBI clearance center, umakyat ako sa 4th floor para sa verification, iniisip ko ano kaya ang itatanong sa akin, baka pakuhanin pa ako ng clearance kasi baka yung kapangalan ko may kaso hayayay kung ano-anong thots ever. pero pagdating ko sa verification counter tiningnan lang ang old clearance ko at pagkatapos ay pinapunta na ako sa next step. kaloka.
my picture was taken tapos punta na ako sa registration. pagdating ko dun, tinatakan ang likod ng aking resibo at sinabihan ako na bumalik bukas, july 3, alas-dos ng hapon. muntik na akong umiyak after. imagine 2pm pa kumusta naman yun eh anong oras pa ako darating ng quezon city. waaa. nalungkot na ang beauty ko kasi feeling ko di ako makakasali sa oath taking sa lunes. hay hay kainis.
pray ever syempre ako, nag-ask na lang kung ano ang kalooban ni God sa akin. naisip ko kung will nya na makapasok ako sa PAO im so sure aayusin nya ang lahat.
Day 8: Ang pag-aayos ng requirements
July 4, 2009July 1, 2009
Unang araw ng Hulyo pero VL ako sa opisina for two reasons; 1) libing ng uncle ko at 2) mag-aayos ako ng aking PAO requirements.
Bandang alas-10 ng umaga, dumating ang beauty ko sa Kaymart Laboratory para sa aking chest x-ray, blood test, urinalysis at lipid profile. Suki na ang family namin ng Kaymart Laboratory as in. Maayos kasi ang serbisyo, di masyadong mahal at ang med-tech doon ay ang aking high school friend at classmate na si Pag-asa. Syempre mega-chika muna kami bago ang mga test, kamustahan galore. After na makuhanan ako ng dugo at urine, nagpa-chest x-ray na ako. 840 pesoses ang binayaran ko.
Since hindi pa ako kumakain ng breakfast (kailangang mag fasting para sa lipid profile), at almost lunchtime na, sumugod ako sa Jollibee para mag chickenjoy…yes! after lunch, pumunta naman ako sa st. louie medical laboratory para sa drug test, after kong mag-fill up ng form, i paid 250 pesoses at pinapunta ako sa mahogany drug test center. so syempre may-i-give ako ng aking papers sa receptionist na busy sa pagtaya sa jueteng ever. inabot nya sa akin ang isang small cup at pinapunta ako sa cr as they need a urine sample from me. medyo nagulat pa ako sa sign sa pinto ng CR na, “please do not close the door” what???? anu daw? gosh! buti na lang at napansin ako ng janitor at sabi nya “ma’am, sa mga lalake lang po yun, bawal isara ang pinto pag lalake”. hay thank God kasi imagine mo naman pag babae at hindi nakasara ang pinto. waaa!
After kong magbigay ng urine, they took my picture at fingerprints. After a few minutes, lumabas na ang result ng drug test ever and of course, negative ako sa methamphetamine at tetrahydrocannabinol. i passed my drug test. yess!
Pagkagaling sa drug test center, diretso naman ang beauty ko sa chowking para mag-merienda. i had petite halo halo with one scoop ube ice cream at siopao. enjoy ako sa chowking sta maria kasi malinis ang store at may libreng wifi he he he. after kumain, bumili ako ng documentary stamp tax sa munisipyo at pagkatapos ay dumiretso na sa simbahan para naman sa libing ng aking uncle.
Hindi na ako sumama sa sementeryo dahil almost 3pm na at kailangan ko pang kuhanin ang results ng aking mga tests. Nagtext din ako sa aking dear friend na si Neneng kung may kilala syang government physician na pwedeng mag-sign ng aking medical certificate and of coz she referred me to our friend na si Lorina, isang Sanitary Inspector, na ang office ay sa Center.
Ang results ng aking mga tests ever:
Roentgenographic Report (Chest X-Ray)
Both lungs are clear; heart is not enlarged; aorta is not dilated; diaphragm and sulci are intact
Impression: Normal Chest Findings
Urinalysis
Macroscopic:
Color: Yellow; Sp Gr: 1.020; Character: sl. turbid; Albumen: negative; Reaction: pH 6; Sugar: Negative
Microscopic:
Casts: none; Crystals: none; Pus Cells: 5-10 hpf (meaning may infection ako waaa!); RBC: 0-3 hpf; E.Cells: Moderate; Urates: few; Other: Bacteria= occasional
Hematology:
RBC: 4.56; Hemoglobin: 140.0; Hematocrit: 0.43; WBC: 8.10; Differential count Neutrophils: 0.55; Lymphocytes: 0.44; Monocytes: 0.01; Blood type: B+
Blood Chemistry:
Total Cholesterol: 182.72 mg/L; Triglycerides: 135.74 mg/dL; HDL Cholesterol: 45.61 mg/dL; LDL Cholesterol: 109.99 mg/dL
After kong makuha ang results ng aking mga tests, nagpapirma na ako ng aking medical certificate. Thank you kay Dra. Estelita G. Bautista, isang Municipal Health Physician. Done with my Pre-employment medical-physical tests..thank God!.
Salamat sa aking family for the support, kay Pag-Asa, Neng at Lorina sa kanilang help syempre.
Bukas Birth Certificate from NSO at NBI clearance naman ang aasikasuhin ko. Todo na to!




