Day 6: Ang tawag na nagpagulat sa akin
June 30, 2009June 29, 2009
Kadarating ko lang sa opisina ng makatanggap ako ng text mula kay Mike ng PAO Head office, pinapatawag ako sa office nila regarding my application daw. Ninerbyos at nagulat ang beauty ko sa text na yun as in. Una, hindi ko na kasi ine-expect na may magtetext pa sa akin about my PAO application. Imagine, February pa ako nag-submit ng neuro ko pero dahil sa aking tingin ay hindi ganun kaganda ang result ng neuro exam ko inisip ko na lang na wala na, di ako natanggap. Pero somehow nagwiwish ako na sana naman ay i-consider nila ang application ko, tutal “recommended” naman ang remarks sa akin eh or kung hindi ako natanggap eh sana naman may mag-inform sa akin para at least may closure ako. At heto na nga, after almost 4 months ng paghihintay, dumating ang text na pwedeng makapagpabago ng aking law career.
Nung una hindi pa ako makapasok sa number na binigay nya kaya tinawagan ko na lang sya sa cellphone. At yun nga, okay na daw ang application ko, pumunta daw ako bukas, June 30, sa office nila para kuhanin ang list of requirements. Gulat at tuwa ang naramdaman ko that moment. Nagtext agad ako sa aking little sister at sa aking mommy. Yes, ang saya ng pakiramdam ko. And syempre mega-pray din ako kay God. Akala ko talaga wala na eh at nagpray na ako noon na tulungan ako ni LOrd na matanggap ko na hindi ako para sa PAO pero heto He answered my prayer and He gave me the biggest desire ng aking heart. Grabe talaga si LOrd. Gusto lang pala talaga eh mag-wait ako. Thank God for this wonderful supwise! Excited na ko sa aking bagong career path! Yes!




