Home » Post Item » DAY 4: Neuro Exam sa NCMH

DAY 4: Neuro Exam sa NCMH

February 7, 2009

6 February 2009

 

Ito ang araw ng aking scheduled neuro exam sa National Center for Mental Health (NCMH) para sa aking PAO application. 8am ang start ng exam kaya ang aga kong gumising para before 8 ay nasa mental na ako. 

 

i arrived at NCMH 15  minutes pa before 8 at plano ko pa sanang mag-retouch ever pero nawalan ako ng gana when i saw the comfort room sa pavillon 1. hay. nakakadismaya. isang cubicle lang sya, sira-sira ang pinto at walang takip ang basurahan, although in fairness,  may nakita naman akong malalaking containers na  may tubig sa loob. hay ulit. 

 

so since wala naman akong ibang makitang CR sa area pumasok na ako sa psychological services division at pagkatapos mag-sign ng name eh start na agad ang exam. ang una ay pinasulat ako ng aking talambuhay o autobiography. naka-3 pages yata ako as in.  tapos ay may binigay na questionnaire for self-assessment test. meron ding test na itutuloy mo ang isang sentence, 40 items itesh as in. ang last part ng questionnaire na yun ay mga drawing ng kamay at isusulat mo kung ano ang sa tingin mo ay ginagawa ng kamay sa larawan. syempre as per advise ng aking mga panyeros at panyeras, dapat daw puro positive ang isasagot ko, so yun nga ang ginawa ko. i just hope tama ang advise na yun kasi kung hindi……waaa!

 

mayroon ding IQ Test na may time limit kaya may mga parts ng exam na di ko natapos sagutan, waaa! after ng IQ test ay pina-drawing kami ng tao, isang babae at isang lalake. as per advise ng aking friend na si atty sandel ng PAO Malolos, wag daw akong mag-drawing ng stick lang kundi yung tao talaga na complete ang body parts ever. so yun may-i-drawing ang beauty ko. 

 

after ng drawing session ay may ipinakita sa aking mga ink figures tapos ay sasabihin ko kung ano ang nakikita ko sa figures. sa totoo lang ang gulo ng mga figures ever pero since i was advised na ang ang sasabihin ko daw positive lang at yung mga ink figures dapat tao ang makita ko so yun ulit ang ginawa ko. kahit na mukhang lion, bat at fox ang tingin ko dun sa mga ink figures, dedma ang beauty ko., basta tao yun at may ginagawang something positive. hay.

 

so after ng mga ink figures, mega punta naman ako sa office ng head ng division, si dr. gonzales, para naman sa interview. ang office nya ay nasa pavillon 2 at katabi ng out-patient department. habang naghihintay, napansin ko na nirerenovate pala ang ospital, may mga parts na under construction at may ibang parts naman na nire-repaint. at nung nakaupo ako at waiting for my turn sa interview, napansin ko ang mga batang patients na nakapila sa kabilang side. may isang tawa ng tawa, may isang malikot ang katawan., may isa na talon ng talon at may isa na parang mongoloid. i can’t help but feel sad. hay. 

 

the interview went well naman, i think, hay. mabait naman si dr. gonzales at  mega sulat sya ng aking mga sinasabi. he asked for my hobbies at sabi ko i love reading books at blogging syempre. i told him na hindi rin ako mahilig sa night life at malling kaya nag-comment pa sya na home-oriented daw pala ako. of coz, di ko na sinabi na other hobbies ko ay sleeping at eating. he he he. he also asked me kung ano ang motto ko kaya may-i-litanya ako na i want to live according to the purpose of God and to live for His glory. grabe kinilabutan ako after kong sabihin yan. mga 20 mins lang siguro tumagal ang interview ko. 

 

ang next stop ay ang collection department or cashier (na ilang doors away lang sa  office ni dr. gonzales) para magbayad ng aking fee na 600 pesoses. mahaba ang pila nung dumating ako. 2 ang cashier at malakas ang boses nila as in.  medyo mabagal ang usad ng pila at muntik na akong magalit nung biglang inunahan ako nung lalake na nasa likod ko, magtataray na sana ako kaya lang i saw na ang binabayaran nya ay reseta ng gamot. jusko day baka patient ito at baka kung ano ang gawin sa akin pag nagtaray ako kaya yun dedma na lang ang beauty ko. 

 

after magbayad ay bumalik na ako sa pavillon 1 para ibigay ang aking resibo at kuhanin ang aking claim slip. makukuha ko daw ang result ng neuro exam after 7 working days. may number din na nakasulat  sa claim slip na tatawagan ko daw para mag-follow up. 

 

so there…tapos na naman ang isang chapter ng aking PAO application adventure.i’m praying na nawa ay loobin ni Lord na makapasa ako sa aking neuro exam. kapag bumagsak kasi ako, i need to take it again kasi di ako makakapasok sa PAO pag bagsak sa neuro. hay ever. 

 

till next adventure…….

Posted by meronakongkwento at 1:42 pm | permalink

Previous Comments

Hello, I’m searching google and found your blog nice post. Mabuhay Sikat ang Pinoy!

Posted by Sikat ang Pinoy Talambuhay at December 9, 2009, 11:41 am

Add a comment