DAY 3: Panel Interview
January 15, 2009730am pa lang nasa PAO Main office na ako sa QC para sa aking panel interview. first come-first served daw kasi so dapat maaga. nung dumating ako doon marami nang lawyers pero sila yung for promotion. mga 830 na yata nung nag-announce yung isang staff ng HR sa kung ano ang gagawin sa amin he he he. umakyat kami sa executive office and then was advised na wait lang na tawagin ang pangalan namin.
i had a typing test at pinatype sa akin ang “something about myself” at bakit ko gustong mag-apply sa PAO. dapat i-type ang ek ek na yan in 10 minutes. kapag tapos ka na may-i-save ka ng file mo at print na rin. sabi nung isang lawyer doon “whatever you say daw will be taken against you”..he he he…kaloka!
around 11am, nag-advise ang taga HR na tatapusin na lang daw yung mga lawyers for promotion at yung new applicants at applicants for non-lawyer positions (3 sila) ay babalik ng 1pm for their interview. harararu! ang ending naglunch kami sa chowking ni Atty. Tet (na applicant din at sa PAO Mandaluyong nya gustong magpa-assign).
mga around 215pm yata yun nung tinawag ako para sa aking panel interview. 4 ang nag-interview sa akin, si director lao ng admin, isang deputy chief public attorney at 2 pang attorney na di ko na maalala ang designation at pangalan. well i’m not so satisfied sa mga sagot ko hay feeling ko hindi yun ang mga best answers pero well nandun na eh hindi ko na mababawi. pero i know somehow may mga sagot naman ako na na-satisfied sila kasi they were nodding (sana lang sign of approval yun he he he).
after the panel interview, binigyan na ako ng endorsement for my neuro exam sa national center for mental health. i told mark, yung HR staff, na tumawag na ako and sa February 6 ang neuro exam ko.
go naman ang beauty ko sa megamall after para magbayad sana ng bills pero mega sleepy ako kaya after eating my snack eh nag-decide ako na umuwi na. nakakainis lang kasi pagdating ko sa room ko, doon pa ako na-aksidente. hay, while removing my socks may naapakan yata akong something sharp at nagkasugat ang aking left talampakan, ang tsakit as in! at ang daming dugo sa floor. hayayay! syempre mega-sigaw ako at to the rescue si sisterette na may dalang wound ointment, cotton balls, alcohol at band aid.
hay, antok na ang beauty ko (ang aga ko kasi gumising kanina, 445am, as in) so siguro dapat mag-beauty rest na akesh. mega-research pa kasi ako tungkol sa neuro exam at pray ever na bigyan ako ng wisdom ni God para makapasa ako. hay, natutuwa na rin ako na may progress naman ang pag-a-apply ko and i’m really praying na sana loobin ni Lord na makapasok ako sa PAO.
abangan na lang ang susunod na adventure……..
DAY 2: Malolos at Main Office
January 14, 200914 january 2009
sumugod ang beauty ko sa Malolos Hall of Justice para mag-courtesy call sa Hepe ng PAO at manghingi na rin ng endorsement for my application. pero bago ako pumunta sa PAO office, may-i-drop by muna ako syempre sa office ni Atty. Kukang, ang aking dear sisterette na branch clerk sa Branch 83. sinamahan na nya ako sa PAO office na nasa second floor lang naman ng justice hall.
as expected mega tanong si Atty. Francisco kung gusto ko daw ba talaga kasi maliit lang ang sweldo sa PAO at medyo matagal daw ang processing ng application ngayon kasi may panel interview pa bago mag-neuro exam. he also told me na may vacant nga daw silang 1 doon. in fairness, mukha naman syang mabait at accommodating and gwapo he he he. ang ending, he made an endorsement letter for me. yahoo!
after PAO Malolos, go na ako sa PAO Main office kaya lang naabutan ako ng lunchtime kaya dumaan na muna ako sa trinoma para mag-lunch ever. natamad na nga ako eh kaya lang i really need to finish this application ek ek ek. i went to PAO Main office mga 130pm para i-submit ang aking application and pertinent documents. timing naman kasi pagdating ko doon, I was told na isasabay na nila ako sa mga iinterviewhin the next day. kaya lang ang aga ng sched, pinapapunta ako doon before 8 kasi first come-first serve daw, pero since may iinterview-hin din na mga PAO lawyers for promotion baka mga 2pm pa daw ang interview ko, at panel interview ito, harararu!
i also called the national center for mental health (5319001) para mag-pa-schedule ng aking neuro exam. sabi naman ni nelson ng PAO HR pwede nang magpa-sched kahit wala pa yung referral (nevertheless they will give me my referral after my interview tomorrow). so mega-call naman ako sa mental hospital at nagpa-sched ng neuro exam. ang schedule ko: february 6, 2009 8am sa pavillon 1 psychological service. dalhin ko daw ang referral letter from PAO, 2 pieces ng 1×1 photo, ballpen at pencil at ang fee na P600 pesoses. hay!
so now im here at the office para mag-file na ng VL form at magtrabaho para mabawasan naman ng konti ang aking backlog. hay ever. talagang tamad na tamad na ako dito sa opisinang itesh. binigay na rin ang kakaramput kong sweldo pero kailangan ko ring magbayad ng kautangan so parang wala lang. kunwari lang nagsweldo.
i’m really praying na matanggap ako sa PAO, kahit na mga 3 months daw yata akong walang sweldo, at least full time lawyering yun at hindi na admin or program management. pang apat na taon ko na ngayon as a lawyer and whenever i look at myself nalulungkot ako kasi pakiramdam ko wala pa talaga akong narating sa lawyering career ko. at least sa PAO i would be able to do a full time practice and sigurado ako na marami akong matututunan doon. hay, so help me GOD!
ang mag-apply sa PAO……..DAY 1
nag-VL ako sa opisina para magpunta sa PAO Region III Office para mag-apply sa PAO. gusto ko sana kasi sa PAO Malolos ako ma-assign para malapit lang. so syempre dumaan muna ako sa Sta Maria Municipal Hall para kumuha ng community tax certificate tapos go na ang beauty ko sa San Fernando Pampanga.
pagdating ko sa PAO Region III Office, nag lunch out na si Ms. Alice Cabiling, ang masipag na AA doon, so ang ending kinausap na ako ng Regional Director, si Atty. Hipolito. Nagbilin naman daw si Ms. Alice sa kanya so somehow he’s expecting me. naging maayos naman ang interview and he asked his staff to make an endorsement letter na ipapakita ko sa PAO Main Office. he also advised me na mag-courtesy call at humingi ng endorsement sa Chief ng PAO Malolos na si Atty. Francisco.
hay, para akong nasa ibang mundo sa Pampanga. syempre lahat sila kapampangan ang salita at di ako maka-relate dahil pure tagalog ako. i went to SM City San Fernando para mag-lunch at mag-window shopping na rin. he he he. syempre di na ako bumalik sa office, umandar ang tamaritis ever ko. umuwi na ako mga around 3pm.
so there…VL na naman ako the next day kasi I need to go to PAO Malolos para kausapin si Atty. Francisco and hopefully get his endorsement. after that punta na ako sa PAO Main para dalhin ang aking mga papel for submission and hopefully ma-sched na for interview and neuro exam.
hay….praying na sana loobin ni God na makapasok ako sa PAO!
sabado musing
january 10, 2009
opisina
hay, 10am pa pasok ko pero i went to the office early kasi friday night nagbilin ang boss na may meeting ng sabado morning . hindi sinabi kung anong oras ng morning pero normally kasi early yun so sabi ko papasok na lang ako ng maaga. well dumating ang boss 11am har har har at di naman talaga meeting galore ang nangyari. nagbilin ever lang at may hininging mga documents kasi she’s leaving for nairobi kenya ng sunday afternoon for a UN Habitat ek ek. nakakainis lang kasi may pinapagawa na naman sa akin na sa tingin ko eh hindi na part ng trabaho ko. ano sya sinuswerte? heller!
ubo at ascof lagundi
nilaklak ko na hanggang sa huling patak ang ascof lagundi syrup ko out of desperation he he he. pero may ubo pa rin ako. waaa! in fairness nabawasan naman yung frequency ng ubo ko although ang sakit pa rin sa dibdib pag umuubo. i bought ascof tablet 600 mg yesterday at ito naman ang titirahin ko. hay, i hope gumaling na ang pesteng ubo na ito dahil super overstaying na sya as in.
ang ek ek ek na danvil plans
naglalakad ako sa sm city north edsa cyberzone ng may babaeng OA ang make up na lumapit sa akin sabay pakita ng isang visa credit card at nagtanong “hi ma’am may credit card ka na?”.syempre meron. hello? pero ang sinagot ko ay “wala” then sabi nya “mastercard ma’am?” na sinagot ko ng “wala nga mahirap lang ako”. yun na, iniwan na ako ng babaeng mukhang espasol. he he he.
well sya ay taga danvil plans na dating family first at of coz aware naman ako sa kanilang scam ek ek kaya sorry na lang wala akong plano na magpa biktima. i got curious tuloy kung marami pa ba silang nabibiktima lalo na ngayon at nagpalit na sila ng pangalan kaya mega upo kami ni ate etzhel sa brownies unlimited kiosk na katabi lang ng danvil plans booth para mag observe.
pagkaupo pa lang namin nagulat na ako sa boses ng isang baklita na boss yata ng mga agents, sumisigaw ang lola, “sige pa sige pa di pa tayo quota 18,000 pa lang ano ba ano ba”. harararu! tama bang mag hysterical at magsisigaw sa loob ng mall? omigulay ever! at syempre mega walk naman ang mga agents at sige sa panghaharang ng mga utaws na naglalakad. nakakatawa kasi yung isang agent may dala pang salamin at mega kutkot ng nose nya habang naglalakad, may isa naman na shofatid din kaya mega sing pa habang naghahanap ng biktima. kaloka!
ang pinagtataka ko lang bakit ba sa dinami dami na ng mga nagrereklamo sa ek ek na danvil plans na itesh eh hindi pa rin sila napapasara. na-feature na nga daw ito sa probe, imbestigador at bitag pero heto pa rin sila at sige sa kanilang scam. malakas yata ang kapit nito ah? hmmmm.
kung talagang nagbebenta lang sila ng pre-need plans at agresibo lang ang marketing scheme nila eh bakit ang daming nagrereklamo? at bakit kailangang may credit card or atm ang bebentahan nila? paano yung walang credit card pero capable namang magbayad ng pre-need? gaano kaya katotoo ang chika na they will ask for the credit card ng would be victims at hihiramin nila ito to verify lang daw kung qualified sila sa kanilang promo pero i-su-swipe na pala at dyaran! na-charge na ang kawawang credit card holder.
well actually pag kumagat ka sa paanyaya ng agent ang sasabihin lang sa iyo eh may libre kang gift at qualified ka na sumali sa kanilang raffle. tapos may-i-hawak na sya sa iyo para papirmahin ka sa isang promo flyer para daw may proof na tinanggap mo na ang iyong gift from them. tapos syempre mag-start na syang mambola at i-e-encourage kang sumali sa kanilang crazy 8 number game. take note nabasa ko sa kanilang poster sa booth na ang number game daw na itesh ay di kailangan ng DTI permit as per consumer act RA tsu tsu. aba aba teka nga at mabusisi yang claim na yan.
sa mahigit isang oras naming pag-oobserve sa danvil agents may mga ilan din naman silang nahila sa kanilang booth pero majority ay biglang umaalis na lang. ang pinapamigay nila that time ay thermal mug at wall clock. hanggang umalis na kami ay naririnig ko pa ang hysterical na boses ng baklitang boss urging his agents na mang-harass pa ng mga shoppers at siguraduhing maka-quota sila that day. kaloka ever.
ang mga ek ek agents ng danvil sa sm city cyberzone
pagdating sa bahay, mega-research ako tungkol sa danvil plans. saw their website na http://www.danvil.com.ph/home.asp. at sa home page pa lang may announcement na tungkol sa hindi natuloy na transfer ng kanilang pre-needs portfolio sa legacy consolidated plans incorporated at wala na daw intention na ituloy pa ang planong itesh. teka lang, bakit ita-transfer ang kanilang pre-needs portfolio sa ibang company? hindi ba sila authorized na magbenta nito? hmmmm.
syempre mega-scrutinize ako ng site nila at nakita ko na may list of winners pa sila ng kanilang promo with matching pictures. at may gumagalaw galaw pang statement sa ilalim na “no obligation to buy anything”. o deva naman.mukhang legitimate.
panalo sa mission at vision ang company as in.
vision: “We dominate the financial security industry by diversification and innovation in helping the Filipino family have a better quality of life and, in so doing, aid in nation-building”
Mission statement: We are a financial services company committed to providing financial security to the Filipino family through superior corporate performance and diversified product offerings.
o deva naman. sino naman ang hindi mapapa-bilib sa ganyan. at ang core values daw nila integrity, innovation at excellence. juskoday!
nag-search din ako re: mga reklamo sa danvil plans and i was brought to the following links:
http://aboutmyrecovery.com/2008/06/17/consumer-fraud-reporting/
http://cutebjem.multiply.com/journal/item/84
http://www.blisteredfate.com/blog/not-a-good-week/
http://tmamichi.multiply.com/journal/item/2/DANVIL_Plans_Inc._sucks_MAY_GAMOL_SA_MEGAMALL_Bldg_A_5th_Flr
http://danvilplansscam.blogspot.com/
http://www.undergroundconcepts.org/index.php?action=printpage;topic=869.0
http://xelynne.blogspot.com/2008/10/2-face-gimik.html
http://www.iamneri.com/2008/10/i-hate-inefficiency.html
eto naman ang link ng video ng probe team nung na-feature nila ang danvil
http://www.youtube.com/watch?v=iY5RAZ6I3Io
well ang dami ko pang nakita at nabasang mga blogs about danvil pero hindi ko na nilagay dito ang link. isa lang ang malinaw: talagang may hindi maganda sa marketing strategy ng danvil at madami talaga ang naperwisyo at na-harass.they are a legitimate company at registered sa SEC pero yun nga unethical sila sa paghandle ng kanilang mga business transactions at mukhang sa sobrang pagka agressive ng kanilang marketing schemes nakakapanloko na sila ng tao. dapat talaga ma-imbestigahan sila on this.
pero come to think of it, pinayagan sila ng SM Mall management na mag-operate sa kanilang malls, hindi sila napapasara kahit sandamakmak na ang nagrereklamo at nabiktima nila sa kanilang unethical practices, wala ring DTI permit ang mga games/promos nila. gaano kaya kalakas ang kapit nitong danvil plans? at sino ang kinakapitan nila?
dear GOd sana po ay wala nang mabiktima itong danvil plans na ito. sana ay makarma ang mga manlolokong agents ng danvil plans.
kaya dun sa mga nagbabasa ng blog na itesh (sana meron) please lang pag namasyal kayo sa mga SM Malls wag kayong magpaloko sa mga ek ek na danvil agents na lalapit sa inyo at mag-a-ask kung may credit card kayo. better answer them “no” para tumigil na at please lang wag nyo silang hayaan na ubusin ang oras ninyo.
one painful truth
parang langis at tubig, you can’t mix old friends with a new friend.but i dare not to choose. if i can’t keep both eh di hindi. ayokong mag-isip at ma-stress lang ako. di ko feel na madagdagan pa ang stress ko please!!!! papanget ako ever! ubo ubo ubo!






