Under Observation
December 22, 2007Huwebes, December 20, bumalik ako sa Industrial Clinic ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI) para ipakita kay Dr. Arnel Chua ang result ng aking mga tests at ultrasound. sabi nya usually daw ang parapelvic cyst ay hindi naman nila ginagalaw (meaning surgery or tinutunaw) unless nakaka-obstruct o nakaka-interfere sa normal functions ng kidney at ng iba pang internal organs. pero dahil normal naman daw ang functions ng kidneys ko, normal ang crea ko at okey naman ang result ng cbc at urinalysis, yung cyst ko daw is benign at wala daw syang ibibigay na gamot muna. ang ending under observation ako for 3 months. after 3 months babalik ako para mag-test ulit. halfway sa consultation i asked him if its okay to take kidney care sabi nya hindi daw nila ine-encourage or nire-recommend. hmmmm….bakit naman kaya?
So, yun, wait and see muna ang drama ko. thank God kasi benign ang cyst ko. pero syempre i have to cut down sa pagkain ng mga masyadong maalat at ma-cholesterol na food. at sabi pa ni doc mag-diet daw ako at mag-exercise. hayayay! makaya ko sana ang mga itesh.
In fairness, natutuwa ako na wala namang damage na nagawa ang parapelvic cyst na yun sa center ng right kidney ko. kahit under observation pa sa ngayon at least nakakahinga na ako ng maluwag, di na masyadong nate-tense at may peace of mind na ako. Thank God.




