uyyy…nakakarelate…..
August 11, 2010
ang interview for promotion…..
July 15, 2010july 14, 2010….kaarawan ng aking mahal na ina at kasagsagan ng bagyong basyang….pero gumising pa rin ako ng maaga at hinanda ang sarili para sa isang mahalagang kaganapan sa aking buhay bilang public attorney……ang aking interview for promotion!
dumating ako sa PAO central office ng bandang alas-7:30 ng umaga at pagdating ko sa 4/f ay madami nang tao–may mga lawyey na applicants at mayron namang for promotion. nung nag-sign ako sa attendance sheet pang number 11 na ako. syempre chika galore ako sa mga batchmates ko, nagkwentuhan, nagbasa ng MC 18, nagpractice ng PAO hymn at naghintay ng instructions.
mga bandang alas-9 ng lumapit sa amin si mr. nelson acevedo at nagbigay ng instructions after a few mins, umakyat na kami sa 5/F para sa panel interview. eksaktong 11:10 am, naganap ang aking interview for promotion at pagkatapos na tanungin, sungitan at pakantahin ng PAO hym…pinababa na ako sa personnel para malaman ang resulta ng interview…..
ilang minuto lang pagkatapos ng interview sinabi na sa akin ni Mr.Nelson na “okay” na ako for promotion. hintayin ko na lang daw ang tawag para sa oath taking. yes! thank you LORD! sa wakas magiging PA II na ako……
ang tawag na aking hinihintay….
July 10, 2010byernes, ika-9 ng Hulyo, ngarag ang beauty ko dahil may hearing ako ng 10am, 2 cross examinations at may civil case ako na kailangan kong magpresent ng testigo for plaintiff’s evidence. natapos ang hearing ng bago mag-12 ng tanghali at pag-akyat ko sa opisina, gutom ang beauty ko..
pero isang note sa aking table ang nagpangiti sa akin. may interview ako sa PAO central office sa july 14, kailangan daw before 7:30am ay nandoon na ako dahil first come-first serve ito, kailangan din daw naka-dress code, meaning kulay blue ang dapat isuot, ang fave part ko sa note ay ito…”INTERVIEW FOR PROMOTION”! yes! sa wakas, nakonsider din ako for promotion. thank GOD!
bago pa ako nakareact ng husto, natanggap ko naman ang text ng aming acting admin officer sa PAO region office at sinabi din sa akin ang balita. syempre napasmile ang puso ko at naisip ko kaya pala walang advise tungkol sa renewal eh promotion pala ang darating. i’m praying and trusting GOD na tutulungan nya ako sa interview para matuloy na ang promotion ko. iniisip ko rin na sa dami ng Public Attorney I, yung maikonsider ka for promotion eh malaking bagay na at isang blessing na maituturing.
kaya ngayon panay ang basa ko sa Memorandum Circular 18 pati na rin ang amendments nito. panay ang kanta ko ng PAO hym dahil sabi ng isang nakausap kong kakapromote lang na PAO lawyer, talagang pinapakanta daw bago i-promote. kasama din sa paghahanda ko syempre ay ang pagdadasal sa ating Panginoon na bigyan nya ako ng guidance at wisdom upang mangyari ang kalooban nya sa akin. Alam naman NYA na isang malaking desire ng aking puso ang promotion na ito at ilang buwan ko rin itong ipinagdasal at hiniling sa KANYA.
answered prayer na naman. thank you LORD!
renewal ng appointment….
June 14, 2010
nakakatawa ba sila o nakakaawa?
May 4, 2010
3rd monthsarry ko na sa PAO!
November 4, 2009today, november 4, ang aking 3rd monthsarry sa public attorney’s office. (first day ko as public attorney nung august 4). sa loob ng 3 buwan na yan, i can say na ang dami ko nang natutunan. kahit mahirap dahil sa dami ng trabaho, i can say na very fulfilling sya at sa totoo lang enjoy ako.
ang na-assigned sa aking courts ay 2 RTC–isang regular court at isang drug court, officer of the day ako tuwing wednesday (client day ko din) at may hearing ako ng monday, tuesday, wednesday at friday. thursday lang ang aking free day pero yun din ang time ko naman to study for my cases. bukod sa mahigit 1,000 kong kaso ay may mga walk-in clients pa na dapat asistihan kasi we are mandated to assist the office of the prosecutor. may inquest duty din kami at jail consultation at visitation.
in fairness, bukod sa basic pay na mas malaki sa dati kong sweldo, may inquest allowance kami, allowance na kung tawagin ay P.E.R.A, may RATA din at allowance mula sa provincial government. hindi na masama kasi pag nagsama-sama yan malaki na rin. ngayong october nga binigay na yung regular bonus at since anniversary ng PAO last October, nagbigay din ng anniversary bonus. bongga! mabuti na lang at nang pumasok ako sa PAO eh na-upgrade na ang salary grade ng Public Attorney I, dati daw kasi ang baba talaga ng salary grade at walang RATA. na-upgrade lang dahil sa effort ni chief acosta! thanks chief!
kung dami ng trabaho ang pag-uusapan, madami talaga and sabi nga sa akin ng mga lawyers na kasama ko, talang sa umpisa daw parang mabu-burn out ka sa dami ng pending mo, pero later on masasanay din daw ako. yes, nasa stage ako na close to saying waaaaa sa dami ng pending na trabaho at kasong dapat aralin pero i’m trying to focus sa mga dapat pang gawin, i really want to stay sa PAO kasi ito naman talaga ang gusto ko. ang sarap ng feeling na may natutulungan ka lalo na yung mga tao na nawalan na ng pag-asa dahil akala nila ang hustisya ay talagang para sa mayayaman lamang.
marami na rin akong na-encounter na pasaway na mga clients, yun bang tipong akala nila eh maid ka nila. marami rin yung ma-angas na feeling mas matalino sila sa iyo. marami rin yung nag-aattempt na bigyan ka ng pera kahit na sabihin mong bawal yun dahil walang bayad ang serbisyo namin. may ibang client naman na sa halip na pera ang ibibigay eh mga pagkain or fruits. basta ako decline ever ako pag may nag-aabot, sinasabi ko, sige ho idedemanda ko kayo pag binigyan nyo ako ng pera at di ko na kayo ire-represent, libre ho ang serbisyo ko! taray di ba?
maswerte na rin ako na mababait ang judge ng court na na-assigned sa akin. at kahit nung una ay marami akong worries dahil drug court ang na-assigned sa akin at 20 plus cases ang naka-calendar in one day of hearing, unti-unti na akong nasasanay. kahit napapagod ako, may excitement pa rin akong nararamdaman dahil ang every day na pasok ko sa PAO ay isang learning experience para sa akin.
mabuti na lang din at mababait ang aking mga kasama sa district. supportive sila sa bagong salta na katulad ko, hindi sila madamot na i-share ang mga alam nila, hindi mo mapi-feel na nagdadamot sila sa iyo, willing silang tumulong at sumuporta. maayos din ang mga staff and thankful ako na mabait at efficient ang aking secretary. may mga pasaway ding judges at court staffs at ayoko na lang magpa-apekto, bahala sila, mag-angas sila kung gusto nila, basta ako i’ll just do my job.
madami pang kwento, madami pang mga learnings at challenges, madami pang ma-me-meet na tao, marami pang kasong aaralin and im so open to all these. cheers to more monthsarries ahead!
at isa pa pala…..kailangan kong pag-aralang kantahin ang PAO Hym!
Day 11: Ang Oathtaking
July 16, 2009July 6, 2009
I don’t like Mondays as in pero kakaiba ang Monday na ito dahil isa ito sa pinakamemorable na araw sa aking so called life. Ito ang araw na ako ay mag-o-oath para maging ganap na isang Public Attorney. 4:30 pa lang ng umaga eh gising na ang beauty ko, excited he he he kailangan daw kasi 7am ay nasa PAO Central Office na ako. Ayoko naman na late ako kaya inagahan ko na ang gising. Unpredictable kasi ang traffic sa by-pass road sa aming lugar eh doon pa naman dumadaan ang mga sasakyan na papuntang NLEX.
Syempre dumating ako sa PAO Central Office eksaktong 7am at pagdating ko sa personnel deparment nakita ko na ang aking mga panero at panera na mag-te-take din ng kanilang oath. Nakita ko din ang 2 admin staff applicants na ma-a-assigned sa Cebu at Samar, mag-o-oath din daw sila. I remember kasabay ko sila noon na nag-interview. Of coz I also submitted my requirements kay Mr. Nelson bago umupo sa waiting area. Pagkaraan ng halos isang oras na paghihintay sinabihan kami na aakyat na daw sa 5/F para sa flag ceremony at kung pwede na ay mag-o-oath na rin kami. Excited ako kasi finally makikita ko na rin ng personal si Chief Persida Acosta. I must admit I admire this woman and di ako makapaniwala na ngayon eh naging boss ko pa sya.
So there, pagdating sa 5/F we were asked to fall in line kaso lang ang liit ng space kaya medyo siksikan ever. After a few minutes narinig ko na nagsalita si Chief Acosta, she’s wearing an all-white outfit, walang make up and in fairness pretty sya. After ng opening prayer ni Chief, we sang the Philippine National Anthem, recited the panunumpa sa watawat at ang PAO Hym na syempre hindi ko pa alam as in first time ko lang narinig.
After nito, nagbigay na si Chief Acosta ng kanyang mga advise, reminders at words of wisdom. Habang nagsasalita sya napansin ko na para talaga syang mommy na nagbibigay ng advise sa kanyang mga anak. Nag-oath na rin kami bago pa natapos ang morning activity na iyon. After ng oath, pinababa na ulit kami sa 4/F para naman sa orientation.Pero bago pa nagumpisa ang orientation, binigyan kami ng time na kumain ng breakfast, mukhang we were in for a long day hay eh hindi pa naman ako nag breakfast nun mabuti na lang at ang PAO canteen ay nasa same floor kaya sumugod ang beauty ko para kumain ng rice, fried egg at corned beef.
After ng short break dire-diretso na ang orientation, grabe sa dami ng dapat tandaan at intindihin. Scary pa kasi may mga instances daw na nirereklamo pa sa media ang mga PAO lawyers and yung mga reklamo are mostly baseless naman. We were advised never to receive money or anything of value from clients at laging tandaan na ang serbisyo ng PAO ay sa mga indigents. Dapat daw ang basehan ng hahawakang kaso ay merit at indigency test. We were advised to read by heart ang nilalaman ng Memorandum Circular No. 18, ito daw ang bible ng PAO. Aside from that memorandum circular, 2 makapal na long brown envelopes na punong-puno ng mga kung anik anik na memorandum circulars ang binigay sa amin. Dapat daw namin itong basahin dahil ito ang guide namin as we practice as PAO lawyers.
Salamat at nung bago mag-alas dose ng tanghali ay binigyan naman kami ng break para mag lunch at kasama ko ang dalawang panera na maaassign sa Zambales, we went to Chowking para mag-lunch. Wala pang 1PM ay bumalik na kami at naghintay para sa continuation ng orientation. Almost 6pm na nung ibigay sa akin ang aking appointment paper, nakalagay doon kung ano ang aking position na SG-25 na, wow, at kung magkano ang aking isang taong sweldo, nakalagay din doon na ang aking appointment ay temporary.
Kahit medyo madilim na nang lisanin ko ang PAO Central Office sa Quezon City, masaya naman ako dahil sa wakas nakapasok din ako sa PAO. Kailangan ko na lang mag courtesy call sa Regional Director at sa aking DPA.
Pumunta naman ako sa Shangrila Mall para puntahan ang aking pretty sis in law at sabay na kaming nagdinner at syempre umuwi.
So there, tapos na ang isa sa pinakamasayang araw sa buhay ko at kahit may takot at worries ako I’m leaving it all to God. Siguro naman normal lang kabahan kasi nga bagong career path, adjustment period and im sure yung mga nasa PAO ngayon eh nagsimula din sa ganito kaya kung nakaya nila eh im sure makakaya ko rin sa tulong syempre ni GOD.
Pinaiyak ako ni Paris
July 11, 2009Isa ako sa milyon-milyong nanood ng memorial service para kay Michael Jackson. Salamat na lang talaga sa ating technology na kahit nasa Staples Center sa Los Angeles California ang activity at nasa Pilipinas ako, pwede ko pa ring mapanood ng Live ang program dahil sa tinatawag na “Live Streaming or Video Feed”. Salamat din sa Facebook kasi they offered this service sa kanilang mga subscribers sa tulong ng CNN.com. Hay, pero yun nga lang puyatan ever dahil ang umaga ng Tuesday sa California ay madaling araw ng Wednesday sa Pilipinas.
Napaiyak ako habang pinapasok sa stage ang gold na kabaong ng king of pop. grabe! parang di pa rin mag-sink in sa akin na wala na sya, wala na si Michael Jackson. I grew up listening and singing his music. Makakalimutan ko ba naman ang kantang “one day in your life” na kinakanta ko habang nakadapa sa kama at katabi ang turn table. Nakinig ako sa mga eulogies ng mga taong malalapit sa kanya at napaiyak ng kumanta at umiyak si Usher ng “gone too soon”.
Pero ang sobrang nagpa-iyak sa akin ay nang magsalita ang anak ni Michael na si Paris.Sa pagitan ng mga hikbi,sinabi nya sa buong mundo na “I just want to say that ever since I was born, Daddy has been the best father you could ever imagine…i just wanted to say I love him so much”. Here’s the video:
Kilala natin si Michael Jackson bilang isa sa pinakamagaling na entertainer ng mundo ng musika pero sa araw ng kanyang libing, nakita natin at nakilala na si Michael Jackson ay isang “mapagmahal na ama, isang daddy, the best father you could ever imagine!”
May your sould rest in peace Michael Jackson! I’m offering prayers for his family, especially to his children.
Day 10: Ang Deadline
July 3, 2009
Pasado alas-dos ng hapon na ako nakarating sa NBI Clearance Center sa Carriedo para kuhanin ang aking NBI Clearance. Habang umaakyat ako sa hagdan iniisip ko kung makukuha ko nga ba ang clearance, maihahabol ko pa kaya ito sa PAO Head office na nasa Quezon City pa, makapag-oath taking kaya ako sa Lunes. Yan ang samo’t saring tanong na nasa utak ko sa mga oras na yun. Dala-dala ko rin ang mga encouragements ng ilang mga kaibigan lalo na ang kaibigan kong dating nasa PAO.Sa utak ko I’m praying and putting my trust in GOD. Pinanghawakan ko na lang na anuman ang mangyari ngayon ay kalooban nya at kung kalooban nya ang trabaho sa PAO ay tutulungan nya ako na maayos ko ang aking mga requirements.
Dumiretso na ako sa releasing at ng iaabot ko ang aking resibo, nakahinga ako ng maluwag dahil walang tanong tanong ibinigay sa akin ang aking bagong NBI Clearance. Yipee. Pumila naman ako sa fingerprinting section at pagkatapos ay kumuha na ako ng aking NBI Clerance Renewal Card. Natapos ako sa NBI pasado alas tres na at ang dami ng tao sa LRT. Malabo na akong makahabol sa PAO Central Office to think na Friday pa hay hay hay.
Bumalik na lang ako sa office dala ang pagtanggap na sa Lunes ko na lamang isasubmit ang aking mga requirements at kung hindi ako makasali sa oath sa Lunes ay ipapakiusap ko na baka pwede sa next batch ng mag-o-oath ay makasama na ako. Tumawag din ako sa PAO Personnel Section para kausapin ang isang staff doon at ipaalam na hindi ko na maipapasa ang aking mga requirements in time for Monday’s oath taking. Malungkot ang boses ko sa telepono habang kinukwento ko kay Mr. Nelson ang aking predicament at muntik na akong napalundag ng sabihin nya na ok lang sa Monday na lang i-submit bago mag oath taking, 7am kailangan nandun na ako, may dress code, heavy breakfast dahil pagkatapos mag-oath ay may orientation.
Wow! Ang galing talaga ni Lord! Imagine, kahit di ko nasubmit ng Friday ang aking requirements, makakapag oath ako sa Monday. Pwede naman pala na Monday i-submit so dapat pala di na ako nagpanic to the highest level at na-stress ang beauty ko kakaisip. Tama talaga si God, na dapat magtiwala ako sa Kanya dahil He’s in control.
Thank God for this blessing! Dapat mag-ready na ako sa aking oath taking at dapat maganda ako ever. Excited na ko! Yes!
Day 9: NSO AT NBI
July 2, 2009
Leave ulit ako sa opisina para mag-ayos ng aking birth certificate at NBI clearance. Yun na lang kasi ang kulang at pwede ko nang dalhin sa PAO head office ang aking mga requirements para makasali sa oath taking sa Lunes. Maaga akong umalis ng bahay kasi ine-expect ko na ang araw na ito na toxic at pipila sigurado ang beauty ko.
I decided to go to the NSO Serbilis Center sa Hobbies of Asia sa Macapagal Boulevard. May nakapagsabi kasi sa akin na medyo mabilis daw dito kumpara sa NSO sa East Avenue. Dumating ako sa Serbilis Center ng mga 950am at trulili ang daming tao ever pero napansin ko kaagad na malamig ang place, airconditioned at in fairness friendly ang mga guards at very willing mag-assist sa mga applicants. after kong mag fill up ng application form, pumila na ako sa magveverify ng aking records, syempre dala dala ko ang aking passport for identification purposes. after ng verification diretso na ako sa cashier para magbayad and i was told na makukuha ko daw ang aking birth certificate ng 12 ng tanghali. bongga!
nag-lunch ako sa mini-stop (siomai with rice) at pagkatapos ay naghintay ng oras sa loob ng airconditioned waiting area. in fairness nakuha ko ang aking birth certificate mga 5 minutes past 12. after ng NSO diretso na ang beauty ko sa NBI Kiosk sa Park Square 1 Makati City.
Dumating ako sa NBI Kiosk ng 1PM at pipila na sana ako only to see a sign na nakalagay LUNCH BREAK. hay ever. buti na lang malapit ang Kiosk sa CR kaya mega retouch muna ang beauty ko. grabe paglabas ko ng CR waaa ang dami ng nakapila ever. i paid the renewal fee, nagpakuha ng picture at pagdating sa last step,….waaa…biglang sinabi na pumunta daw ako sa NBI Carriedo dahil may kapangalan daw ako. hay kaloka talaga.
so syempre takbo ang beauty ko sa MRT ayala station para pumunta ng sta cruz maynila. mabuti na lang at mabilis lang ang MRT at LRT kaya dumating ako sa sta cruz mga 3pm. ang daming tao dito as in. medyo di pa naman ako comfortable sa carriedo street kasi naman ang daming snatcher at holdaper sa area. pagdating ko sa NBI clearance center, umakyat ako sa 4th floor para sa verification, iniisip ko ano kaya ang itatanong sa akin, baka pakuhanin pa ako ng clearance kasi baka yung kapangalan ko may kaso hayayay kung ano-anong thots ever. pero pagdating ko sa verification counter tiningnan lang ang old clearance ko at pagkatapos ay pinapunta na ako sa next step. kaloka.
my picture was taken tapos punta na ako sa registration. pagdating ko dun, tinatakan ang likod ng aking resibo at sinabihan ako na bumalik bukas, july 3, alas-dos ng hapon. muntik na akong umiyak after. imagine 2pm pa kumusta naman yun eh anong oras pa ako darating ng quezon city. waaa. nalungkot na ang beauty ko kasi feeling ko di ako makakasali sa oath taking sa lunes. hay hay kainis.
pray ever syempre ako, nag-ask na lang kung ano ang kalooban ni God sa akin. naisip ko kung will nya na makapasok ako sa PAO im so sure aayusin nya ang lahat.
Day 8: Ang pag-aayos ng requirements
July 4, 2009July 1, 2009
Unang araw ng Hulyo pero VL ako sa opisina for two reasons; 1) libing ng uncle ko at 2) mag-aayos ako ng aking PAO requirements.
Bandang alas-10 ng umaga, dumating ang beauty ko sa Kaymart Laboratory para sa aking chest x-ray, blood test, urinalysis at lipid profile. Suki na ang family namin ng Kaymart Laboratory as in. Maayos kasi ang serbisyo, di masyadong mahal at ang med-tech doon ay ang aking high school friend at classmate na si Pag-asa. Syempre mega-chika muna kami bago ang mga test, kamustahan galore. After na makuhanan ako ng dugo at urine, nagpa-chest x-ray na ako. 840 pesoses ang binayaran ko.
Since hindi pa ako kumakain ng breakfast (kailangang mag fasting para sa lipid profile), at almost lunchtime na, sumugod ako sa Jollibee para mag chickenjoy…yes! after lunch, pumunta naman ako sa st. louie medical laboratory para sa drug test, after kong mag-fill up ng form, i paid 250 pesoses at pinapunta ako sa mahogany drug test center. so syempre may-i-give ako ng aking papers sa receptionist na busy sa pagtaya sa jueteng ever. inabot nya sa akin ang isang small cup at pinapunta ako sa cr as they need a urine sample from me. medyo nagulat pa ako sa sign sa pinto ng CR na, “please do not close the door” what???? anu daw? gosh! buti na lang at napansin ako ng janitor at sabi nya “ma’am, sa mga lalake lang po yun, bawal isara ang pinto pag lalake”. hay thank God kasi imagine mo naman pag babae at hindi nakasara ang pinto. waaa!
After kong magbigay ng urine, they took my picture at fingerprints. After a few minutes, lumabas na ang result ng drug test ever and of course, negative ako sa methamphetamine at tetrahydrocannabinol. i passed my drug test. yess!
Pagkagaling sa drug test center, diretso naman ang beauty ko sa chowking para mag-merienda. i had petite halo halo with one scoop ube ice cream at siopao. enjoy ako sa chowking sta maria kasi malinis ang store at may libreng wifi he he he. after kumain, bumili ako ng documentary stamp tax sa munisipyo at pagkatapos ay dumiretso na sa simbahan para naman sa libing ng aking uncle.
Hindi na ako sumama sa sementeryo dahil almost 3pm na at kailangan ko pang kuhanin ang results ng aking mga tests. Nagtext din ako sa aking dear friend na si Neneng kung may kilala syang government physician na pwedeng mag-sign ng aking medical certificate and of coz she referred me to our friend na si Lorina, isang Sanitary Inspector, na ang office ay sa Center.
Ang results ng aking mga tests ever:
Roentgenographic Report (Chest X-Ray)
Both lungs are clear; heart is not enlarged; aorta is not dilated; diaphragm and sulci are intact
Impression: Normal Chest Findings
Urinalysis
Macroscopic:
Color: Yellow; Sp Gr: 1.020; Character: sl. turbid; Albumen: negative; Reaction: pH 6; Sugar: Negative
Microscopic:
Casts: none; Crystals: none; Pus Cells: 5-10 hpf (meaning may infection ako waaa!); RBC: 0-3 hpf; E.Cells: Moderate; Urates: few; Other: Bacteria= occasional
Hematology:
RBC: 4.56; Hemoglobin: 140.0; Hematocrit: 0.43; WBC: 8.10; Differential count Neutrophils: 0.55; Lymphocytes: 0.44; Monocytes: 0.01; Blood type: B+
Blood Chemistry:
Total Cholesterol: 182.72 mg/L; Triglycerides: 135.74 mg/dL; HDL Cholesterol: 45.61 mg/dL; LDL Cholesterol: 109.99 mg/dL
After kong makuha ang results ng aking mga tests, nagpapirma na ako ng aking medical certificate. Thank you kay Dra. Estelita G. Bautista, isang Municipal Health Physician. Done with my Pre-employment medical-physical tests..thank God!.
Salamat sa aking family for the support, kay Pag-Asa, Neng at Lorina sa kanilang help syempre.
Bukas Birth Certificate from NSO at NBI clearance naman ang aasikasuhin ko. Todo na to!
Day 7: Ang mga requirements
June 30, 2009Dumating ako eksaktong 9am sa PAO Head Office sa Quezon City. Pagdating ko sa personnel section 4/F nagulat ako sa dami ng mga lawyers na nakaupo, may interview daw ang mga paneros at paneras. I waited for Mike to arrive dahil nasa 5/F daw ito, sa office ni Chief Acosta.
Syempre nung dumating na siya he gave me a list ng mga kailangan kong i-submit sa kanya. He told me dapat daw ma-process ko yung mga requirements within the week at friday dapat ma-submit ko na dahil pag-ok na, mag-o-oath taking na ako sa Monday. Omigulay! Nagpanic ang beauty ko. Hindi pa ako resign sa present work ko at may international training pa kami sa July 23. Waa!
Hay pero ayoko munang isipin ang dilemma na yan sa ngayon. I want to focus sa mga kailangan kong gawin re: my PAO requirements. Kailangan kong magpa-picture, latest, passport size, mag-fill up ng Personal Data Sheet, kumuha ng NBI clearance, at magpa-xerox ng aking birth certificate. Para naman sa medical certificate, kailangan kong magpa-blood test, urinalysis, chest x-ray, drug test at lipid profile. Hay ever!
Todo na to ever! sana maayos ko ang mga itesh agad at sana rin maging maayos ang mga results para tuloy tuloy na ang pagiging PAO lawyer ko ever!
Day 6: Ang tawag na nagpagulat sa akin
June 29, 2009
Kadarating ko lang sa opisina ng makatanggap ako ng text mula kay Mike ng PAO Head office, pinapatawag ako sa office nila regarding my application daw. Ninerbyos at nagulat ang beauty ko sa text na yun as in. Una, hindi ko na kasi ine-expect na may magtetext pa sa akin about my PAO application. Imagine, February pa ako nag-submit ng neuro ko pero dahil sa aking tingin ay hindi ganun kaganda ang result ng neuro exam ko inisip ko na lang na wala na, di ako natanggap. Pero somehow nagwiwish ako na sana naman ay i-consider nila ang application ko, tutal “recommended” naman ang remarks sa akin eh or kung hindi ako natanggap eh sana naman may mag-inform sa akin para at least may closure ako. At heto na nga, after almost 4 months ng paghihintay, dumating ang text na pwedeng makapagpabago ng aking law career.
Nung una hindi pa ako makapasok sa number na binigay nya kaya tinawagan ko na lang sya sa cellphone. At yun nga, okay na daw ang application ko, pumunta daw ako bukas, June 30, sa office nila para kuhanin ang list of requirements. Gulat at tuwa ang naramdaman ko that moment. Nagtext agad ako sa aking little sister at sa aking mommy. Yes, ang saya ng pakiramdam ko. And syempre mega-pray din ako kay God. Akala ko talaga wala na eh at nagpray na ako noon na tulungan ako ni LOrd na matanggap ko na hindi ako para sa PAO pero heto He answered my prayer and He gave me the biggest desire ng aking heart. Grabe talaga si LOrd. Gusto lang pala talaga eh mag-wait ako. Thank God for this wonderful supwise! Excited na ko sa aking bagong career path! Yes!
DAY 5: Ang Resulta ng Neuro Exam
February 25, 2009Finally nakuha ko na rin today ang resulta ng aking neuro exam. Although hindi ako ganun ka-sure kung pumasa ako, sabi naman ni Ms. Mary ng NCMH Collecting Division, “recommended” naman daw ang remarks sa akin pero yun nga lang hindi daw nya madi-disclose sa akin yung iba pang statements and narrative sa results and somehow tinitingnan din daw kasi yun ng PAO.
Hay, nakakainis kasi hindi ko pwedeng tingnan ang mismong result kasi naka-sealed ang envelope at naka-address kay Ms. Marlyn ng PAO-HRD. In other words, pag binuksan na ni Ms. Marlyn doon ko lang malalaman kung pasado ba talaga ako o hindi. Kaka-tense ever.
But at least lumabas na ang result at pwede ko na itong dalhin bukas sa PAO Head Office sa QC. Kung ok na, start na akong mag-ayos ng iba pang requirements at kung hindi naman ok (waaa wag naman sana!) i need to decide kung magpapa-sched ulit ako ng neuro exam or mag-apply na ako sa iba (most probably private law firm na). Hay talaga.
Abangan na lang ang next na kabanata….
DAY 4: Neuro Exam sa NCMH
February 7, 20096 February 2009
Ito ang araw ng aking scheduled neuro exam sa National Center for Mental Health (NCMH) para sa aking PAO application. 8am ang start ng exam kaya ang aga kong gumising para before 8 ay nasa mental na ako.
i arrived at NCMH 15 minutes pa before 8 at plano ko pa sanang mag-retouch ever pero nawalan ako ng gana when i saw the comfort room sa pavillon 1. hay. nakakadismaya. isang cubicle lang sya, sira-sira ang pinto at walang takip ang basurahan, although in fairness, may nakita naman akong malalaking containers na may tubig sa loob. hay ulit.
so since wala naman akong ibang makitang CR sa area pumasok na ako sa psychological services division at pagkatapos mag-sign ng name eh start na agad ang exam. ang una ay pinasulat ako ng aking talambuhay o autobiography. naka-3 pages yata ako as in. tapos ay may binigay na questionnaire for self-assessment test. meron ding test na itutuloy mo ang isang sentence, 40 items itesh as in. ang last part ng questionnaire na yun ay mga drawing ng kamay at isusulat mo kung ano ang sa tingin mo ay ginagawa ng kamay sa larawan. syempre as per advise ng aking mga panyeros at panyeras, dapat daw puro positive ang isasagot ko, so yun nga ang ginawa ko. i just hope tama ang advise na yun kasi kung hindi……waaa!
mayroon ding IQ Test na may time limit kaya may mga parts ng exam na di ko natapos sagutan, waaa! after ng IQ test ay pina-drawing kami ng tao, isang babae at isang lalake. as per advise ng aking friend na si atty sandel ng PAO Malolos, wag daw akong mag-drawing ng stick lang kundi yung tao talaga na complete ang body parts ever. so yun may-i-drawing ang beauty ko.
after ng drawing session ay may ipinakita sa aking mga ink figures tapos ay sasabihin ko kung ano ang nakikita ko sa figures. sa totoo lang ang gulo ng mga figures ever pero since i was advised na ang ang sasabihin ko daw positive lang at yung mga ink figures dapat tao ang makita ko so yun ulit ang ginawa ko. kahit na mukhang lion, bat at fox ang tingin ko dun sa mga ink figures, dedma ang beauty ko., basta tao yun at may ginagawang something positive. hay.
so after ng mga ink figures, mega punta naman ako sa office ng head ng division, si dr. gonzales, para naman sa interview. ang office nya ay nasa pavillon 2 at katabi ng out-patient department. habang naghihintay, napansin ko na nirerenovate pala ang ospital, may mga parts na under construction at may ibang parts naman na nire-repaint. at nung nakaupo ako at waiting for my turn sa interview, napansin ko ang mga batang patients na nakapila sa kabilang side. may isang tawa ng tawa, may isang malikot ang katawan., may isa na talon ng talon at may isa na parang mongoloid. i can’t help but feel sad. hay.
the interview went well naman, i think, hay. mabait naman si dr. gonzales at mega sulat sya ng aking mga sinasabi. he asked for my hobbies at sabi ko i love reading books at blogging syempre. i told him na hindi rin ako mahilig sa night life at malling kaya nag-comment pa sya na home-oriented daw pala ako. of coz, di ko na sinabi na other hobbies ko ay sleeping at eating. he he he. he also asked me kung ano ang motto ko kaya may-i-litanya ako na i want to live according to the purpose of God and to live for His glory. grabe kinilabutan ako after kong sabihin yan. mga 20 mins lang siguro tumagal ang interview ko.
ang next stop ay ang collection department or cashier (na ilang doors away lang sa office ni dr. gonzales) para magbayad ng aking fee na 600 pesoses. mahaba ang pila nung dumating ako. 2 ang cashier at malakas ang boses nila as in. medyo mabagal ang usad ng pila at muntik na akong magalit nung biglang inunahan ako nung lalake na nasa likod ko, magtataray na sana ako kaya lang i saw na ang binabayaran nya ay reseta ng gamot. jusko day baka patient ito at baka kung ano ang gawin sa akin pag nagtaray ako kaya yun dedma na lang ang beauty ko.
after magbayad ay bumalik na ako sa pavillon 1 para ibigay ang aking resibo at kuhanin ang aking claim slip. makukuha ko daw ang result ng neuro exam after 7 working days. may number din na nakasulat sa claim slip na tatawagan ko daw para mag-follow up.
so there…tapos na naman ang isang chapter ng aking PAO application adventure.i’m praying na nawa ay loobin ni Lord na makapasa ako sa aking neuro exam. kapag bumagsak kasi ako, i need to take it again kasi di ako makakapasok sa PAO pag bagsak sa neuro. hay ever.
till next adventure…….
DAY 3: Panel Interview
January 15, 2009730am pa lang nasa PAO Main office na ako sa QC para sa aking panel interview. first come-first served daw kasi so dapat maaga. nung dumating ako doon marami nang lawyers pero sila yung for promotion. mga 830 na yata nung nag-announce yung isang staff ng HR sa kung ano ang gagawin sa amin he he he. umakyat kami sa executive office and then was advised na wait lang na tawagin ang pangalan namin.
i had a typing test at pinatype sa akin ang “something about myself” at bakit ko gustong mag-apply sa PAO. dapat i-type ang ek ek na yan in 10 minutes. kapag tapos ka na may-i-save ka ng file mo at print na rin. sabi nung isang lawyer doon “whatever you say daw will be taken against you”..he he he…kaloka!
around 11am, nag-advise ang taga HR na tatapusin na lang daw yung mga lawyers for promotion at yung new applicants at applicants for non-lawyer positions (3 sila) ay babalik ng 1pm for their interview. harararu! ang ending naglunch kami sa chowking ni Atty. Tet (na applicant din at sa PAO Mandaluyong nya gustong magpa-assign).
mga around 215pm yata yun nung tinawag ako para sa aking panel interview. 4 ang nag-interview sa akin, si director lao ng admin, isang deputy chief public attorney at 2 pang attorney na di ko na maalala ang designation at pangalan. well i’m not so satisfied sa mga sagot ko hay feeling ko hindi yun ang mga best answers pero well nandun na eh hindi ko na mababawi. pero i know somehow may mga sagot naman ako na na-satisfied sila kasi they were nodding (sana lang sign of approval yun he he he).
after the panel interview, binigyan na ako ng endorsement for my neuro exam sa national center for mental health. i told mark, yung HR staff, na tumawag na ako and sa February 6 ang neuro exam ko.
go naman ang beauty ko sa megamall after para magbayad sana ng bills pero mega sleepy ako kaya after eating my snack eh nag-decide ako na umuwi na. nakakainis lang kasi pagdating ko sa room ko, doon pa ako na-aksidente. hay, while removing my socks may naapakan yata akong something sharp at nagkasugat ang aking left talampakan, ang tsakit as in! at ang daming dugo sa floor. hayayay! syempre mega-sigaw ako at to the rescue si sisterette na may dalang wound ointment, cotton balls, alcohol at band aid.
hay, antok na ang beauty ko (ang aga ko kasi gumising kanina, 445am, as in) so siguro dapat mag-beauty rest na akesh. mega-research pa kasi ako tungkol sa neuro exam at pray ever na bigyan ako ng wisdom ni God para makapasa ako. hay, natutuwa na rin ako na may progress naman ang pag-a-apply ko and i’m really praying na sana loobin ni Lord na makapasok ako sa PAO.
abangan na lang ang susunod na adventure……..
DAY 2: Malolos at Main Office
January 14, 200914 january 2009
sumugod ang beauty ko sa Malolos Hall of Justice para mag-courtesy call sa Hepe ng PAO at manghingi na rin ng endorsement for my application. pero bago ako pumunta sa PAO office, may-i-drop by muna ako syempre sa office ni Atty. Kukang, ang aking dear sisterette na branch clerk sa Branch 83. sinamahan na nya ako sa PAO office na nasa second floor lang naman ng justice hall.
as expected mega tanong si Atty. Francisco kung gusto ko daw ba talaga kasi maliit lang ang sweldo sa PAO at medyo matagal daw ang processing ng application ngayon kasi may panel interview pa bago mag-neuro exam. he also told me na may vacant nga daw silang 1 doon. in fairness, mukha naman syang mabait at accommodating and gwapo he he he. ang ending, he made an endorsement letter for me. yahoo!
after PAO Malolos, go na ako sa PAO Main office kaya lang naabutan ako ng lunchtime kaya dumaan na muna ako sa trinoma para mag-lunch ever. natamad na nga ako eh kaya lang i really need to finish this application ek ek ek. i went to PAO Main office mga 130pm para i-submit ang aking application and pertinent documents. timing naman kasi pagdating ko doon, I was told na isasabay na nila ako sa mga iinterviewhin the next day. kaya lang ang aga ng sched, pinapapunta ako doon before 8 kasi first come-first serve daw, pero since may iinterview-hin din na mga PAO lawyers for promotion baka mga 2pm pa daw ang interview ko, at panel interview ito, harararu!
i also called the national center for mental health (5319001) para mag-pa-schedule ng aking neuro exam. sabi naman ni nelson ng PAO HR pwede nang magpa-sched kahit wala pa yung referral (nevertheless they will give me my referral after my interview tomorrow). so mega-call naman ako sa mental hospital at nagpa-sched ng neuro exam. ang schedule ko: february 6, 2009 8am sa pavillon 1 psychological service. dalhin ko daw ang referral letter from PAO, 2 pieces ng 1×1 photo, ballpen at pencil at ang fee na P600 pesoses. hay!
so now im here at the office para mag-file na ng VL form at magtrabaho para mabawasan naman ng konti ang aking backlog. hay ever. talagang tamad na tamad na ako dito sa opisinang itesh. binigay na rin ang kakaramput kong sweldo pero kailangan ko ring magbayad ng kautangan so parang wala lang. kunwari lang nagsweldo.
i’m really praying na matanggap ako sa PAO, kahit na mga 3 months daw yata akong walang sweldo, at least full time lawyering yun at hindi na admin or program management. pang apat na taon ko na ngayon as a lawyer and whenever i look at myself nalulungkot ako kasi pakiramdam ko wala pa talaga akong narating sa lawyering career ko. at least sa PAO i would be able to do a full time practice and sigurado ako na marami akong matututunan doon. hay, so help me GOD!
ang mag-apply sa PAO……..DAY 1
nag-VL ako sa opisina para magpunta sa PAO Region III Office para mag-apply sa PAO. gusto ko sana kasi sa PAO Malolos ako ma-assign para malapit lang. so syempre dumaan muna ako sa Sta Maria Municipal Hall para kumuha ng community tax certificate tapos go na ang beauty ko sa San Fernando Pampanga.
pagdating ko sa PAO Region III Office, nag lunch out na si Ms. Alice Cabiling, ang masipag na AA doon, so ang ending kinausap na ako ng Regional Director, si Atty. Hipolito. Nagbilin naman daw si Ms. Alice sa kanya so somehow he’s expecting me. naging maayos naman ang interview and he asked his staff to make an endorsement letter na ipapakita ko sa PAO Main Office. he also advised me na mag-courtesy call at humingi ng endorsement sa Chief ng PAO Malolos na si Atty. Francisco.
hay, para akong nasa ibang mundo sa Pampanga. syempre lahat sila kapampangan ang salita at di ako maka-relate dahil pure tagalog ako. i went to SM City San Fernando para mag-lunch at mag-window shopping na rin. he he he. syempre di na ako bumalik sa office, umandar ang tamaritis ever ko. umuwi na ako mga around 3pm.
so there…VL na naman ako the next day kasi I need to go to PAO Malolos para kausapin si Atty. Francisco and hopefully get his endorsement. after that punta na ako sa PAO Main para dalhin ang aking mga papel for submission and hopefully ma-sched na for interview and neuro exam.
hay….praying na sana loobin ni God na makapasok ako sa PAO!
sabado musing
january 10, 2009
opisina
hay, 10am pa pasok ko pero i went to the office early kasi friday night nagbilin ang boss na may meeting ng sabado morning . hindi sinabi kung anong oras ng morning pero normally kasi early yun so sabi ko papasok na lang ako ng maaga. well dumating ang boss 11am har har har at di naman talaga meeting galore ang nangyari. nagbilin ever lang at may hininging mga documents kasi she’s leaving for nairobi kenya ng sunday afternoon for a UN Habitat ek ek. nakakainis lang kasi may pinapagawa na naman sa akin na sa tingin ko eh hindi na part ng trabaho ko. ano sya sinuswerte? heller!
ubo at ascof lagundi
nilaklak ko na hanggang sa huling patak ang ascof lagundi syrup ko out of desperation he he he. pero may ubo pa rin ako. waaa! in fairness nabawasan naman yung frequency ng ubo ko although ang sakit pa rin sa dibdib pag umuubo. i bought ascof tablet 600 mg yesterday at ito naman ang titirahin ko. hay, i hope gumaling na ang pesteng ubo na ito dahil super overstaying na sya as in.
ang ek ek ek na danvil plans
naglalakad ako sa sm city north edsa cyberzone ng may babaeng OA ang make up na lumapit sa akin sabay pakita ng isang visa credit card at nagtanong “hi ma’am may credit card ka na?”.syempre meron. hello? pero ang sinagot ko ay “wala” then sabi nya “mastercard ma’am?” na sinagot ko ng “wala nga mahirap lang ako”. yun na, iniwan na ako ng babaeng mukhang espasol. he he he.
well sya ay taga danvil plans na dating family first at of coz aware naman ako sa kanilang scam ek ek kaya sorry na lang wala akong plano na magpa biktima. i got curious tuloy kung marami pa ba silang nabibiktima lalo na ngayon at nagpalit na sila ng pangalan kaya mega upo kami ni ate etzhel sa brownies unlimited kiosk na katabi lang ng danvil plans booth para mag observe.
pagkaupo pa lang namin nagulat na ako sa boses ng isang baklita na boss yata ng mga agents, sumisigaw ang lola, “sige pa sige pa di pa tayo quota 18,000 pa lang ano ba ano ba”. harararu! tama bang mag hysterical at magsisigaw sa loob ng mall? omigulay ever! at syempre mega walk naman ang mga agents at sige sa panghaharang ng mga utaws na naglalakad. nakakatawa kasi yung isang agent may dala pang salamin at mega kutkot ng nose nya habang naglalakad, may isa naman na shofatid din kaya mega sing pa habang naghahanap ng biktima. kaloka!
ang pinagtataka ko lang bakit ba sa dinami dami na ng mga nagrereklamo sa ek ek na danvil plans na itesh eh hindi pa rin sila napapasara. na-feature na nga daw ito sa probe, imbestigador at bitag pero heto pa rin sila at sige sa kanilang scam. malakas yata ang kapit nito ah? hmmmm.
kung talagang nagbebenta lang sila ng pre-need plans at agresibo lang ang marketing scheme nila eh bakit ang daming nagrereklamo? at bakit kailangang may credit card or atm ang bebentahan nila? paano yung walang credit card pero capable namang magbayad ng pre-need? gaano kaya katotoo ang chika na they will ask for the credit card ng would be victims at hihiramin nila ito to verify lang daw kung qualified sila sa kanilang promo pero i-su-swipe na pala at dyaran! na-charge na ang kawawang credit card holder.
well actually pag kumagat ka sa paanyaya ng agent ang sasabihin lang sa iyo eh may libre kang gift at qualified ka na sumali sa kanilang raffle. tapos may-i-hawak na sya sa iyo para papirmahin ka sa isang promo flyer para daw may proof na tinanggap mo na ang iyong gift from them. tapos syempre mag-start na syang mambola at i-e-encourage kang sumali sa kanilang crazy 8 number game. take note nabasa ko sa kanilang poster sa booth na ang number game daw na itesh ay di kailangan ng DTI permit as per consumer act RA tsu tsu. aba aba teka nga at mabusisi yang claim na yan.
sa mahigit isang oras naming pag-oobserve sa danvil agents may mga ilan din naman silang nahila sa kanilang booth pero majority ay biglang umaalis na lang. ang pinapamigay nila that time ay thermal mug at wall clock. hanggang umalis na kami ay naririnig ko pa ang hysterical na boses ng baklitang boss urging his agents na mang-harass pa ng mga shoppers at siguraduhing maka-quota sila that day. kaloka ever.
ang mga ek ek agents ng danvil sa sm city cyberzone
pagdating sa bahay, mega-research ako tungkol sa danvil plans. saw their website na http://www.danvil.com.ph/home.asp. at sa home page pa lang may announcement na tungkol sa hindi natuloy na transfer ng kanilang pre-needs portfolio sa legacy consolidated plans incorporated at wala na daw intention na ituloy pa ang planong itesh. teka lang, bakit ita-transfer ang kanilang pre-needs portfolio sa ibang company? hindi ba sila authorized na magbenta nito? hmmmm.
syempre mega-scrutinize ako ng site nila at nakita ko na may list of winners pa sila ng kanilang promo with matching pictures. at may gumagalaw galaw pang statement sa ilalim na “no obligation to buy anything”. o deva naman.mukhang legitimate.
panalo sa mission at vision ang company as in.
vision: “We dominate the financial security industry by diversification and innovation in helping the Filipino family have a better quality of life and, in so doing, aid in nation-building”
Mission statement: We are a financial services company committed to providing financial security to the Filipino family through superior corporate performance and diversified product offerings.
o deva naman. sino naman ang hindi mapapa-bilib sa ganyan. at ang core values daw nila integrity, innovation at excellence. juskoday!
nag-search din ako re: mga reklamo sa danvil plans and i was brought to the following links:
http://aboutmyrecovery.com/2008/06/17/consumer-fraud-reporting/
http://cutebjem.multiply.com/journal/item/84
http://www.blisteredfate.com/blog/not-a-good-week/
http://tmamichi.multiply.com/journal/item/2/DANVIL_Plans_Inc._sucks_MAY_GAMOL_SA_MEGAMALL_Bldg_A_5th_Flr
http://danvilplansscam.blogspot.com/
http://www.undergroundconcepts.org/index.php?action=printpage;topic=869.0
http://xelynne.blogspot.com/2008/10/2-face-gimik.html
http://www.iamneri.com/2008/10/i-hate-inefficiency.html
eto naman ang link ng video ng probe team nung na-feature nila ang danvil
http://www.youtube.com/watch?v=iY5RAZ6I3Io
well ang dami ko pang nakita at nabasang mga blogs about danvil pero hindi ko na nilagay dito ang link. isa lang ang malinaw: talagang may hindi maganda sa marketing strategy ng danvil at madami talaga ang naperwisyo at na-harass.they are a legitimate company at registered sa SEC pero yun nga unethical sila sa paghandle ng kanilang mga business transactions at mukhang sa sobrang pagka agressive ng kanilang marketing schemes nakakapanloko na sila ng tao. dapat talaga ma-imbestigahan sila on this.
pero come to think of it, pinayagan sila ng SM Mall management na mag-operate sa kanilang malls, hindi sila napapasara kahit sandamakmak na ang nagrereklamo at nabiktima nila sa kanilang unethical practices, wala ring DTI permit ang mga games/promos nila. gaano kaya kalakas ang kapit nitong danvil plans? at sino ang kinakapitan nila?
dear GOd sana po ay wala nang mabiktima itong danvil plans na ito. sana ay makarma ang mga manlolokong agents ng danvil plans.
kaya dun sa mga nagbabasa ng blog na itesh (sana meron) please lang pag namasyal kayo sa mga SM Malls wag kayong magpaloko sa mga ek ek na danvil agents na lalapit sa inyo at mag-a-ask kung may credit card kayo. better answer them “no” para tumigil na at please lang wag nyo silang hayaan na ubusin ang oras ninyo.
one painful truth
parang langis at tubig, you can’t mix old friends with a new friend.but i dare not to choose. if i can’t keep both eh di hindi. ayokong mag-isip at ma-stress lang ako. di ko feel na madagdagan pa ang stress ko please!!!! papanget ako ever! ubo ubo ubo!
2 things….
December 7, 2008one: nanalo si papa manny pacquiao sa laban nila ni papa oscar dela hoya. wagi na naman ang pinoy! congrats papa manny! mwah!
two: namatay si marky cielo. waaa!!! fave ko pa naman sya. kakashocked ever. sabi sa gmanews.tv he died in his sleep daw. waaa….nabawasan na naman ang gwapo sa mundo! snip. snip.








